2019
Ang Word of Wisdom: Ano Ito, Ano ang Hindi Ito
Agosto 2019


Ang Word of Wisdom: Ano Ito, Ano ang Hindi Ito

fruit platter

Ano ang Word of Wisdom

Isang batas tungkol sa kalusugan mula sa Panginoon para sa ating pisikal at espirituwal na proteksyon.

Iwasan:

Kainin:

Mga inuming nakalalasing

Mga prutas

Tabako

Mga gulay

Tsaa at kape

Karne (huwag lamang sobra)

Anumang nakapipinsala o nakalululong

Mga butil

Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89. Tingnan din ang paksa ng ebanghelyo tungkol sa Word of Wisdom sa topics.ChurchofJesusChrist.org.

Ang hindi ibig sabihin ng Word of Wisdom

Itinuro sa atin ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015), Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol kung ano ang hindi ibig sabihin ng Word of Wisdom:

  1. Isang garantiya na lagi kayong magiging malusog.

    “Ang Word of Wisdom ay hindi nangangako sa inyo ng perpektong kalusugan, ngunit itinuturo nito sa inyo kung paano panatilihing nasa pinakamaayos na kundisyon ang katawang ipinagkaloob sa inyo mula pagsilang at panatalihing alerto ang inyong isipan sa banayad na pahiwatig ng Espiritu.”

  2. Isang komprehensibong listahan.

    “Maraming mga sangkap o bagay na nakakagawian at nakalululong na maaaring mainom o manguya o masinghot o maiturok na makapipinsala kapwa sa katawan at sa espiritu na hindi binanggit sa paghahayag.”

  3. Pagbibigay-katwiran sa pagkahumaling.

    “Matuto kayong magtimpi at magpasiya nang tama pagdating sa kalusugan at nutrisyon, at lalo na sa mga gamot. Iwasan ang sobra o panatikong pagsunod sa uso o pagiging faddist.”1 (ang isang faddist ay isang tao na sinusunod ang bawat uso).

Mga ipinangakong pagpapala

Ang pagsunod sa Word of Wisdom ay malaking pagpapala! Narito ang ilang paraan na binanggit sa Para sa Lakas ng mga Kabataan kung paano kayo mapagpapala:

  • Makakaiwas na malulong sa mga nakapipinsalang bagay

  • Mas makokontrol ninyo ang inyong buhay

  • Mas malusog na katawan

  • Mas listong isipan

  • Patnubay mula sa Espiritu Santo

  • Mas malaking kakayahan na makapaglingkod sa Panginoon

“Huwag ninyong hayaang malinlang kayo ni Satanas o ng sinuman sa pag-iisip na kapag hindi ninyo sinunod ang Word of Wisdom ay higit kayong liligaya, mas magiging popular, o mas kaakit-akit.”2

Mga Tala

  1. Boyd K. Packer, “The Word of Wisdom: The Principle and the Promises,” Apr. 1996 general conference.

  2. Para sa Lakas ng mga Kabataan (2011), 25.