Kumusta mula sa South Korea!
Kami sina Margo at Paolo.
Samahan ninyo kami sa pagbisita sa South Korea!
Ang South Korea ay nasa Silangang Asya. Ito ay may humigit-kumulang na 50 milyong tao at halos 88,000 miyembro ng Simbahan.
Ang alpabeto ng Korea ay tinatawag na Hangul. Narito ang karatula na may pangalan ng Simbahan na nakasulat sa Hangul sa labas ng gusali ng Simbahan.
Maraming pamilyang Koreano ang namimili sa mga palengkeng tulad nito, kung saan sila nakakabili ng mga prutas, gulay, karne, at miryenda mula sa mga nagtitinda sa kalye. Ang isang popular na pagkain sa Korea ay bibimbap, kanin na may iba-ibang sahog.
Sa Korea, pangkaraniwan na ang maupo sa sahig sa bahay o sa restawran. Maraming pamilya ang magkakasamang nag-aaral, naglalaro, at kumakain sa mababang mesa, na tulad nito.
Ang pamilyang ito ay bumibisita sa Seoul Temple. Inilaan ito noong 1985 sa kabiserang lungsod ng South Korea.
Salamat sa pagsama sa amin sa pagbisita sa South Korea. Hanggang sa muling pagkikita!