Ang Pagkahulog at Pagpapanibago ng Sangkatuhan—at ng Daigdig
Lahat tayo’y makakaranas ng pagsilang, pagkabuhay, pagkamatay, at pagkabuhay na mag-uli—at gayon din ang daigdig, sa isang banda. Ang daigdig ay isinilang (sa pamamagitan ng Paglikha), nabinyagan ng tubig (sa pamamagitan ng Baha), mabibinyagan ng apoy (“kung kailan ang Panginoon ay paparito, … at ang mga elemento ay matutunaw sa matinding init” [Mormon 9:2]), at mapapanibago gaya ng pagkabuhay na mag-uli.1
Ang Paglikha
1. Ang Daigdig at sina Adan at Eva sa Malaparaiso na Kalagayan:
“Ang unang temporal na paglikha ng lahat ng bagay … ay malaparaiso ang kalagayan.”2 Kaagad pagkatapos ng Paglikha, wala nang mortal o makakaranas ng kamatayan.3
Ang Pagkahulog
2. Ang Daigdig at ang Sangkatauhan sa Nahulog na Kalagayan:
“Nakaranas ang daigdig ng mga epekto na bunga ng pagkahulog nina [Adan at Eva], at … katulad ng ang tao ay matutubos, gayundin ang daigdig ay muling bubuhayin.”4
Ang Ikalawang Pagparito
3. Ang Daigdig at ang Sangkatauhan sa Napabanal na Kalagayan:
“Sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon, ang mundo ay … ibabalik sa malaparaisong kalagayan nito at gagawing bago.”5
“Dahil dito, [ang daigdig] ay pababanalin; oo, sa kabila ng ito ay mamamatay, ito ay bubuhaying muli,” at mamanahin ng mabubuti ang kahariang selestiyal (ang pinabanal na daigdig) (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:17–26).