2019
Ano ang hitsura ng mga katawang nabuhay na mag-uli?
Agosto 2019


Tuwirang Sagot

Ano ang hitsura ng mga katawang nabuhay na mag-uli?

Jesus Christ welcoming people into the celestial kingdom

The Eternal City, ni D. Keith Larson

Ayon sa mga banal na kasulatan at mga propeta sa panahon ngayon, ang mga katawang nabuhay na mag-uli ay:

Pisikal. Ang katawang nabuhay na mag-uli ay may mga laman at buto (tingnan sa Lucas 24:36–39).

Imortal. “Ang katawang-lupang ito ay babangon sa isang walang kamatayang katawan, … upang sila ay hindi na mamatay” (Alma 11:45).

Perpekto. “Ang espiritu at ang katawan ay magsasamang muli sa kanyang ganap na anyo” (Alma 11:43). “Ang kapinsalaan ng katawan ay mawawala; ang mga kapintasan ay aalisin, at ang mga kalalakihan at kababaihan ay magtatamo ng kaganapan ng kanilang mga espiritu, sa kaganapang nilayon ng Diyos sa simula pa lang” (Joseph F. Smith, Gospel Doctrine, 5th ed. [1939], 23).

Napakaganda. “Wala nang mas maganda pang masdan kaysa sa isang lalaki o babaeng nabuhay na mag-uli” (The Teachings of Lorenzo Snow, pat. Clyde J. Williams [1996], 99).

Hindi saklaw ng kapangyarihan ni Satanas. “Kung ang katawang ito ay hindi na babangon pang muli ang ating espiritu ay tiyak na mapapasailalim sa … diyablo, … at manatiling kasama ng ama ng kasinungalingan, sa kalungkutan, katulad ng kanyang sarili” (2 Nephi 9:8–9). Ngunit dahil ginawang posible ni Jesucristo ang pagkabuhay na mag-uli ng ating mga katawan, hindi ito mangyayari.*

May kakayahang tumanggap ng ganap na kagalakan. Kung wala ang pagkabuhay na mag-uli, ang kagalakang magtamo ng selestiyal na kaluwalhatian ay hindi posible. “Ang espiritu at elemento, hindi mapaghihiwalay ang kaugnayan, ay tatanggap ng ganap na kagalakan” (Doktrina at mga Tipan 93:33).