2019
Bumisita si Elder Andersen sa Ivory Coast
Agosto 2019


Mga Apostol sa iba’t ibang panig ng Mundo

Bumisita si Elder Andersen sa Ivory Coast

Elder Andersen Visits Ivory Coast

Isa sa mga unang hakbang sa pagtatayo ng bagong templo ay ang espesyal na pulong na tinatawag na “groundbreaking” o pagpapala ng lupa. Sina Elder Neil L. Andersen at Sister Kathy Andersen ay bumiyahe patungo sa Ivory Coast para sa groundbreaking ng bagong templo.

Nanalangin si Elder Andersen upang ilaan ang loteng pagtatayuan ng bagong templo. Nagbigay sila ni Sister Andersen ng mga mensahe sa wikang French, ang opisyal na wika roon. Sinabi ni Sister Andersen na masaya siya na pinapahintulutan tayo ni Jesus na pumasok sa Kanyang Bahay, ang templo. Nakatatanggap tayo roon ng mga pagpapala na hindi natin matatanggap saanman sa mundo.

Gumamit ang mga bata ng kulay gintong pala upang tumulong na “palahin ang lupa” para sa templo. Maaari nang simulan ang pagtatayo! Aabutin nang mga dalawang taon para maitayo ang templo.

Sa ngayon ang mga miyembro ng Ivory Coast ay kailangang bumiyahe nang 12 oras papunta sa pinakamalapit na templo, sa bayan ng Ghana. Ilang taon na lang, ang mga bata na sapat na ang edad para makapagpabinyag sa templo ay makakapunta na sa isang magandang templo sa kanilang sariling bansa!

Heto ang magiging hitsura ng templo.

Templo’y Ibig Makita

Ganito inaawit ng mga bata ang “Templo’y Ibig Makita” sa anim na iba’t ibang wika. Sundan ang linya mula sa bawat pangungusap papunta sa tamang wika.

  • Me encanta ver el templo

  • Oh, j’aime voir le temple

  • Eu gosto de ver o templo

  • Jeg elsker herrens temple

  • Ich freu mich auf den tempel

  • Out e fia vaai I le malumalu