Ang Pagiging Kabilang sa Simbahan ay Tulad ng …
Upang makatulong sa paggunita ng ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain, ipinagdiriwang natin sa isyung ito ang mga pagpapala ng pagiging kabilang sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Narito ang tatlong paraan kung paano inilarawan ng mga lider ng Simbahan ang pagiging kabilang sa Simbahan.
Pagiging Isang Monarch Butterfly
“Tulad ng mga monarch butterfly, tayo ay naglalakbay pabalik sa ating tahanan sa langit kung saan muli nating makakapiling ang ating mga Magulang sa Langit. Tulad ng mga paru-paro, tayo ay binigyan ng mga banal na katangian na nagbibigay sa atin ng kakayahan na maglakbay sa buhay. … Katulad ng mga paru-paro, kung ang mga puso natin ay magkakasama sa pagkakaisa, poprotektahan tayo ng Panginoon … at gagawin tayong isang magandang kaleidoscope.”
Sister Reyna I. Aburto, Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency, “Matibay na Nangagkakaisa,” Liahona, Mayo 2018, 78.
Pagiging Isang Tulong sa Iba
“Kapag tinutupad natin ang ating mga tipan, maaari tayong maiba sa mga tao sa ating kultura at lipunan, pero nabibigyan tayo niyan ng inspirasyon para makaisip ng naiibang mga solusyon, naiibang mga paraan, naiibang mga pagsasagawa. Hindi tayo palaging aakma sa mundo, ngunit ang pagiging naiiba sa mga positibong paraan ay maaaring makatulong sa ibang taong nahihirapan.”
Sister Sharon Eubank, Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency, “Pagliwanagin ang Inyong Ilaw,” Liahona, Nob. 2017, 8.
Pagiging Isang Mang-aawit sa Koro
“Pinlano ng kalangitan na hindi magkapare-pareho ang lahat ng mga tinig sa koro ng Diyos. Kailangan ng pagkakaiba-iba—mga soprano at mga alto, mga baritone at mga bass—upang makagawa ng magandang musika. …
“… Huwag lisanin ang inyong tungkulin sa koro. Bakit? Sapagkat katangi-tangi kayo; hindi kayo mapapalitan. Pinahihina ng pagkawala ng kahit isang tinig ang bawat mang-aawit sa dakilang koro ng buhay natin, kabilang ang pagkawala ng mga yaong nakadarama na tila hindi sila tanggap ng lipunan o ng Simbahan.”
Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mga Awiting Naawit at Hindi Naawit,” Liahona, Mayo 2017, 49, 50.