Ang mga Pagpapala ng Pagiging Miyembro ng Simbahan
Ngayong taon, ipinagdiriwang natin ang ika-200 anibersaryo ng pagdalaw ng Ama at ng Anak kay Joseph Smith. Sampung taon matapos ang Unang Pangitain, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay inorganisa, naglalaan ng mga ordenansa, mga turo ng ebanghelyo, at awtoridad ng priesthood na kinakailangan para sa ating kaligtasan.
Gayunman, habang lalong nagiging sekular ang mundo, iniisip ng maraming tao kung bakit kailangan ng organisadong relihiyon. Akala nila maaari silang maging malapit sa Diyos nang hindi sumasapi sa isang simbahan. Bagama’t totoo na maaari nating madama ang Espiritu ng Panginoon sa maraming lugar, tatalakayin sa isyung ito ng Liahona ang ilan sa mga dahilan kung bakit inorganisa ng Panginoon ang Kanyang Simbahan at kung paano itinutuon ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan ang ating pag-aaral at pinalalakas ang ating personal na pagtugon sa Kanyang Espiritu para sa ikabubuti natin sa panahong ito.
Tulad ng isinulat ko sa aking artikulo sa pahina 24, sinusunod ng mga miyembro ng Simbahan ang turo ni Propetang Joseph Smith na “pakainin ang nagugutom, damitan ang hubad, … aliwin ang nagdurusa, sa simbahan mang ito, o sa iba pa.” Sa aking gawain sa Latter-day Saint Charities , saksi ako sa napakalaking kontribusyon ng Simbahan sa mahigit 100 bansa taun-taon. Salamat sa maliliit na donasyon ng mga miyembro ng Simbahan, ang ating mga kapatid sa buong mundo ay nabibiyayaan ng mga kinakailangan sa buhay at higit pa.
Sa pahina 12, ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks kung bakit pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga propeta at mga apostol, at sa pahina 18, nagbahagi si Sister Jean B. Bingham, na kasama kong naglilingkod sa Relief Society General Presidency, ng isang mensahe tungkol sa impluwensya ng kababaihan at kung paano natin matutulungan ang isa’t isa na maabot ang ating banal na potensyal sa pamamagitan ng pagtutulungan sa Simbahan.
Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos bilang mga indibiduwal at bilang mga tao upang patuloy na makapaglingkod sa isang mas dakila at mas banal na paraan hanggang sa muling pagparito ng Tagapagligtas.
Sister Sharon Eubank
Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency