Mga Young Adult
Ang Pagsisikap Nating Lahat na Maramdamang Kabilang Tayo
Naranasan mo na ba na pagpasok mo sa isang silid, lahat ay biglang napatingin sa iyo? O mas matindi pa—parang walang nakapansin sa iyo? Naranasan ko na iyon. Maaaring makasakit sa damdamin ang mga sitwasyong iyon dahil hangad nating lahat na tanggapin tayo.
Tayo ay pinagbubuklod ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ngunit kung minsan, mahirap maramdamang kabilang tayo dahil sa iba-ibang kalagayan natin sa buhay. Sa maraming indibiduwal na miyembro ng Simbahan, may mga bagong miyembro na maaaring nagsisikap na maramdamang kabilang sila. Sa pahina 44, ibinahagi ko kung paano nagbago ang aking pananaw tungkol sa pagtanggap ng iba at pagtupad sa mga inaasahan ng Panginoon.
Marami ring katulad ni Jodi at ng kanyang asawa, na may problema sa hindi pagkakaroon ng anak o iba pang mga pagsubok na maaaring maging dahilan para madama nila na tila hindi sila kabilang. Basahin ang kanyang kuwento sa pahina 46.
Sa mga artikulong digital lamang, ibinahagi ni Rachelle kung paano nakagawa ng kaibhan ang malugod na pagtanggap sa kanya ng mga miyembro nang bumalik siya sa simbahan. Itinuro ni Eric na tayong lahat ay kailangan sa katawan ni Cristo, at ibinahagi ni Aspen kung paano magiging kabilang at magtatagumpay sa simbahan bilang isang napakamahiyaing tao.
Ang Simbahan ay puno ng mga tao na nakadaramang hindi sila kabilang. Maaaring isa ka sa kanila. Ngunit maaari tayong lahat na makatulong sa ating sariling paraan para maipadama sa lahat ng miyembro na malugod silang tinatanggap. Dahil ang pagiging kabilang ay hindi batay sa kalagayan—ito ay batay sa kung sino ka talaga at kung sino ang sinisikap mong tularan. Bilang mga anak ng Diyos, lahat tayo ay kabilang sa Simbahan ni Cristo.
Tapat na sumasainyo,
Brian S. King
Ibahagi ang Iyong Kuwento
May magandang kuwento ka bang maibabahagi? O may mga artikulo ka bang nais makita tungkol sa ilang paksa? Kung gayon, nais naming makarinig mula sa iyo! Maaari mong ipadala ang iyong artikulo o feedback sa liahona.ChurchofJesusChrist.org.
Hanapin ang mga artikulong ito at ang iba pa:
-
Sa Lingguhang YA (sa ilalim ng bahaging Mga Young Adult sa Gospel Library)