2020
Paano Tinatangka ni Satanas na Linlangin Tayo?
Marso 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano Tinatangka ni Satanas na Linlangin Tayo?

2 Nephi 26–30 (Pebrero 24–Marso 1)

How Does Satan Try to Deceive Us

Binalaan tayo ni Nephi tungkol sa tatlo sa mga mapanlinlang na taktika ng diyablo.

1. Magalit laban sa mga Bagay na Mabuti (2 Nephi 28:20)

Ano ang ginagawa ni Satanas para magalit ang mga tao sa mabubuting bagay?

Tinatangka ni Satanas na tuksuhin ang mga tao para magalit sa sumusunod na mabubuting bagay:

  • Tradisyunal na kasal at pamilya

  • Kabaitan at pagkahabag para sa lahat, pati sa mga taong naiiba sa iyo

  • Organisadong relihiyon

2. Pagiging Komporable at Pagwawalang-bahala (2 Nephi 28:21)

Ano ang ginagawa ni Satanas para maging masyadong komportable ang mga tao at ipagwalang-bahala nila ang paglaban sa kasamaan o tigilan ang pagsisikap na umunlad sa espirituwal?

Tinatangka ng diyablo na sabihin sa atin ang mga sumusunod na kasinungalingan para tayo ay magwalang-bahala:

  • Ang mahalaga lang ay magpakasaya sa buhay at magkaroon ng magagandang ari-arian.

  • Anumang mahirap o hindi komportable ay masama, kaya dapat itong iwasan.

  • Basta tila maayos ang buhay, iyon lang ang mahalaga.

3. Walang Diyablo, Walang Kasamaan, Walang Kaparusahan (2 Nephi 28:22)

Ano ang ginagawa ni Satanas para ang mga tao ay tumigil sa paniniwala na totoong may kasamaan at na hahatulan tayo ng Diyos?

Sinasabi sa atin ni Satanas ang mga sumusunod na kasinungalingan para makumbinsi tayo na walang masama at walang kaparusahan:

  • Ito lang ang buhay, kaya magpakasaya ka na.

  • Kung masarap sa pakiramdam, gawin mo.

  • Tumingin ka sa iyong paligid. Hindi napaparusahan ang masasama. Kaya bakit hindi ka magsaya tulad nila?

Linggo 1

Mga paglalarawan ni Augusto Zambonato