Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Paano Natin Maiiwasan ang “Pagtingin nang Lampas sa Tanda”?
Jacob 1–4 (Marso 9–15)
Itinuro ng propetang si Jacob na ang espirituwal na pagkabulag ng mga Judio ay dumating sa pamamagitan ng “pagtingin nang lampas sa tanda” (Jacob 4:14). Paano natin maiiwasan ang pagtingin nang lampas sa tanda?
Ano ang Tanda?
“Ang [ilan] ay nabubulag dahil sa ‘pagtingin nang lampas sa tanda’ (Jacob 4:14) gayong ang tanda ay si Cristo.”
Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Jesus of Nazareth, Savior and King,” Ensign, Mayo 1976, 26.
Ano ang Kahulugan ng Pagtingin nang Lampas sa Tanda?
Sa pagpana, kung gusto mong matamaan ang tanda, kailangan mo itong tutukan. Magmimintis ka kapag tumingin ka nang lampas sa tanda. Marahil isa iyong dahilan kung bakit ang salitang kasalanan sa Bagong Tipan ay nagmula sa salitang Griyego na hamartia, na nangangahulugang “pagmintis sa tanda.” Ano ang mga kasalanan ng mga Judio na binanggit sa Jacob 4:14?
Paano Natin Matatamaan ang Tanda?
“Kung ang ating pangunahing tuon, pag-iisip, at mga pagsisikap ay nakasentro sa pagpapaibayo ng ating pagmamahal sa Diyos na Maykapal at minamahal natin ang iba, malalaman natin na natagpuan na natin ang tamang target at nakatutok tayo sa bull’s-eye—ang maging tunay na mga disipulo ni Jesucristo.”
Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Pagtutok sa Sentro,” Liahona, Ene. 2017, 5.