Mahal Naming mga Magulang,
Ang magasin sa buwang ito ay nagkukuwento tungkol kay Enos. Maraming beses siyang tinuruan ng kanyang mga magulang tungkol sa ebanghelyo. Sa huli, ang kanilang mga salita ay “tumimo nang malalim” sa kanyang puso (Enos 1:3). Dapat madalas tayong magbahagi ng ating mga patotoo sa ating mga anak. Hindi natin alam kung kailan makakagawa ng kaibhan ang ating mga salita.
Ilang beses mahahanap ng iyong pamilya ang mga salitang “manalangin” sa isyung ito?
Masaya ang Diyos kapag kinakausap ninyo Siya!
Ang Kaibigan