2020
Ano ang Matututuhan Natin mula sa Alegorya ng Punong Olibo?
Marso 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Ang Aklat ni Mormon

Ano ang Matututuhan Natin mula sa Alegorya ng Punong Olibo?

Jacob 5–7(Marso 16–22)

What Can We Learn from the Allegory of the Olive Tree

Sa alegorya ng punong olibo, nakita ng panginoon ng olibohan na ang kanyang punong olibo ay nagsimulang mabulok at sabi niya, “Aking pupungusin [ang puno], at bubungkalin ang palibot nito, at aalagaan ito” (Jacob 5:4).

  • Ang pagpupungos ay pag-aalis ng mga patay na sanga at bulok na bunga mula sa isang puno. Pinutol ng panginoon ang mga patay na sanga at itinapon ang mga ito sa apoy (tingnan sa Jacob 5:9). Paano tayo tinutulungan ng Diyos na “pungusan” ang ating buhay para mawala ang mga kasalanan at kahinaan?

  • Kasama sa pagbubungkal ang pag-aalis ng mga balakid, gaya ng mga damo, sa palibot ng isang puno. Tinitiyak ng pagbubungkal na walang hahadlang sa kakayahan ng puno na lumago. Anong mga balakid ang humahadlang sa atin na lumago sa espirituwal?

  • Ang pag-aalaga ang nagpapanatili sa kalusugan ng puno sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng mga mineral at iba pang pataba. Tulad ng mga puno, ang ating mga espiritu ay nangangailangan din ng pag-aalaga. Paano natin aalagaan ang ating mga espiritu?

Sa buong alegorya, ilang beses binisita ng panginoon at ng kanyang tagapagsilbi ang olibohan (tingnan sa Jacob 5:15–18, 29–32, 37–42). Sa bawat pagkakataon, paulit-ulit na ginawa ang proseso ng pagpupungos, pagbubungkal, at pag-aalaga.

Ang panginoon ng olibohan ay kumakatawan kay Jesucristo. Ang puno at ang mga sanga nito ay kumakatawan sa Kanyang mga tao. Ang alegorya na ito ay higit pa sa isang kuwento tungkol sa mga puno at bunga. Ito ay isang makapangyarihang patotoo tungkol sa pagiging bahagi ng Diyos sa buhay ng Kanyang mga anak at sa misyon ng Tagapagligtas at Kanyang pagmamahal para sa buong sangkatauhan.

Linggo 4

Mga paglalarawan mula sa Getty Images