2020
Salt Lake City, Utah, USA
Marso 2020


Narito ang Simbahan

Salt Lake City, Utah

Photograph of Salt Lake City

Larawang kuha ni John Luke

Ang sentro ng administrasyon ng Ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon ay natipon sa paligid ng Temple Square, sa gitna ng Salt Lake City. Kabilang sa ilang gusali na dapat puntahan ang:

  1. Church History Library:

    Imbakan para sa pag-iingat ng kasaysayan ng Simbahan sa mga huling araw.

    Ang gusali ay natapos noong 2009.

  2. Church Office Building:

    Mga pangunahing tanggapan para sa iba’t ibang departamento ng Simbahan.

    Ang gusali ay natapos noong 1972.

  3. Relief Society Building:

    Punong-tanggapan para sa mga General Presidency ng Primary, Young Women, at Relief Society.

    Ang gusali ay natapos noong 1956.

  4. Church Administration Building:

    Mga tanggapan para sa Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at ilang miyembro ng Pitumpu.

    Ang gusali ay natapos noong 1917.

  5. Joseph Smith Memorial Building:

    Dating hotel, ngayon ay naglalaman ng isang FamilySearch center, isang teatro para sa mga pelikula ng Simbahan, mga restawran, mga tanggapan ng administrasyon ng Simbahan, at isang chapel.

    Ang hotel ay natapos noong 1911; kinumpuni noong 1993.

  6. Salt Lake Temple:

    Bago ito magsara noong Disyembre 2019 para sa renobasyon, isa ito sa 166 na ginagamit na mga templo sa buong mundo. Ito ay muling bubuksan sa 2024.

    Inilaan noong 1893.

  7. North Visitors’ Center:

    Tumutulong sa pagsalubong sa 3 hanggang 5 milyong bisita sa Temple Square taun-taon.

  8. Salt Lake Tabernacle:

    Tahanan ng Tabernacle Choir at Temple Square.

    Ang gusali ay natapos noong 1875.

  9. Church Museum of History and Art:

    Tumutulong sa pagbabahagi ng kuwento ng Simbahan sa pamamagitan ng sining at mga artifact.

    Ang gusali ay natapos noong 1984.

  10. Family History Library:

    Ang pinakamalaking genealogical library sa buong mundo.

    Ang gusali ay natapos noong 1985.

  11. Conference Center:

    Kasalukuyang pinagdarausan ng pangkalahatang kumperensya, kasya ang 21,000 tao; ginagamit din para sa mga konsiyerto at kultural na pagtatanghal.

    Ang gusali ay natapos noong 2000.