2020
Hello mula sa Samoa!
Marso 2020


Hello mula sa Samoa!

Hello from Samoa

Talofa! (“Hi” sa wikang Samoan), kami sina Margo at Paolo.

Samahan kami sa pagbisita namin sa Samoa!

Ang Samoa ay isang bansa na binubuo ng mga pulo sa Karagatang Pasipiko. Ito ay may dalawang pangunahing pulo at apat na mas maliliit na pulo.

Narito ang paraan kung paano sabihin “Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” sa wikang Samoan: O Le Ekalesia a Iesu Keriso o le Au Paia o Aso e Gata Ai.

Maraming tao sa Samoa ang nakatira sa fales, mga bahay na walang dingding. Ang pagluluto ay ginagawa sa apoy sa labas ng bahay.

Ang niyog ay isang popular na pagkain sa Samoa. Lahat ay tumutulong sa pag-aani at pagbabalat ng mga ito. Ang mga bao nito ay madalas gamiting panggatong para sa pagluluto.

Mahilig kumanta ang mga tao sa Samoa! Ang mga batang ito ay naghahandang kumanta sa Primary.

Dahil nakatira sila sa mga pulo, ang mga taga-Samoa ay hindi malayo sa karagatan.

Marami sa kanila ang nag-aalaga ng mga baboy at manok at gumagamit ng mga aso sa pangangaso.

Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Samoa!

Mahilig akong kumanta ng mga awit sa Primary. Ang mga paborito ko ay “Mother, Tell Me the Story” at “Ako ay Anak ng Diyos.”

Mary V., edad 5, Savai’i, Samoa

Alam kong naririnig at sinasagot ng Ama sa Langit ang aking mga panalangin.

Alex S., edad 11, Upolu, Samoa

Taga-Samoa ka ba? Sulatan mo kami! Masaya kaming makarinig mula sa iyo.

Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Samoa. Hanggang sa muli!

Mga paglalarawan ni Katie McDee; larawan ng mga baboy mula sa Getty Images