2020
Paano Tayo Kinakausap ng Ama sa Langit?
Marso 2020


Mula sa Unang Panguluhan

Paano Tayo Kinakausap ng Ama sa Langit?

Hango sa “Eight Ways God Can Speak to You,” New Era, Set. 2004, 4–8.

How Does Heavenly Father Speak to Us

Maaari tayong kausapin ng Ama sa Langit sa maraming iba’t ibang paraan. Nang manalangin si Joseph Smith tungkol sa kung aling simbahan ang tama, ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagpakita sa kanya at nakipag-usap sa kanya nang harapan. Ngunit karaniwang nakikipag-usap sa atin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Binibigyan Niya tayo ng mga ideya at pinupukaw Niya ang ating damdamin.

Narito ang ilang paraan na maririnig natin Siya:

  1. Isang pakiramdam na mahal tayo ni Jesus at na totoo ang ebanghelyo

  2. Isang pakiramdam ng kapayapaan kapag nalulungkot o nalulumbay tayo

  3. Isang masayang pakiramdam pagkatapos nating magsisi

  4. Isang magandang pakiramdam kapag tayo ay nakakarinig ng magandang musika o nakakakita ng magandang likhang-sining

  5. Isang mapayapang pakiramdam na mabuting piliin ang isang bagay

  6. Isang pakiramdam na nagbibigay ng babala na mali ang isang bagay

Piliin ang Tama at Makinig

Kapag ang Ama sa Langit ay nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ito ay tinatawag na “paghahayag.” Hindi tayo binibigyan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ng paghahayag tungkol sa lahat ng ginagawa natin. Ngunit hindi tayo dapat mag-alala. Kung nagsisikap tayong piliin ang tama at nakikinig sa Espiritu Santo, tutulungan at gagabayan Nila tayo kapag mahalaga ito. ●

Mga Paglalarawan ni Katie Rewse