Sigaw na Hosana
Ngayon, mahal kong mga kapatid, sa ating paggunita ng Unang Pangitain ni Joseph Smith sa Ama at sa Anak, nadama namin na nararapat na sama-sama tayong magalak sa pamamagitan ng Sigaw na Hossana.
Ang sagradong sigaw na ito ay unang ginawa sa dispensasyong ito nang ilaan ang Kirtland Temple noong Marso 27, 1836. Ginagawa na ito ngayon sa paglalaan ng bawat templo. Ito ay sagradong pagpaparangal sa Ama at sa Anak, na sumisimbolo sa pagtugon ng mga tao nang isagawa ng Tagapagligtas ang Kanyang matagumpay na pagpasok sa Jerusalem. Muli ring pinagtitibay nito ang naranasan ni Joseph nang araw na iyon sa Sagradong Kakahuyan—iyon ay, ang Ama at ang Anak ay dalawang niluwalhating Nilalang na ating sinasamba at pinupuri.
Ipapakita ko sa inyo ngayon kung paano gawin ang Sigaw na Hosana. Habang ginagawa ko ito, inaanyayahan ko ang aking mga kasamahan sa media na ituring ang napakasagradong paggawa nito nang may dignidad at paggalang.
Bawat isa na makikibahagi ay maglalabas ng isang malinis na puting panyo, hahawakan ito sa isang dulo, at iwawagayway ito habang nagkakaisang sinasabi ang, “Hosanna, Hosanna, Hosanna sa Diyos at sa Kordero,” nang tatlong beses, kasunod ang “Amen, Amen, at Amen.” Kung wala kayong puting panyo, ikaway na lamang ang inyong kamay.
Mga kapatid, inaanyayahan ko kayo na tumayo at makibahagi sa Sigaw na Hosana, kasunod nito ay aawitin natin ang “Hosanna Anthem” at ang “Espiritu ng Diyos.”1
Sa hudyat ng tagakumpas, sumabay lamang sa pag-awit ng “Espiritu ng Diyos.”
Hosana, Hosana, Hosana sa Diyos at sa Kordero.
Hosana, Hosana, Hosana sa Diyos at sa Kordero.
Hosana, Hosana, Hosana sa Diyos at sa Kordero.
Amen, Amen, at Amen.