Elder Jorge T. Becerra
General Authority Seventy
Si Jorge T. Becerra ay mahiyain at tahimik habang lumalaki, ngunit binigyan siya ng kanyang mission president ng oportunidad na mamuno. Umuwi si Jorge mula sa California Arcadia Mission na may hangaring makibahagi sa gawain ng Panginoon sa buong buhay niya.
Mas maraming oportunidad sa pamumuno ang dumating nang mas maaga kaysa inaasahan niya. Sa edad na 27, tinawag siya sa bishopric. Sa edad na 32, tinawag siyang maging bishop. Sa pakiramdam niya noong una ay hindi sapat ang kakayahan niya nang kausapin siya ng mga tao tungkol sa kanilang mga hamon sa buhay.
“Wala akong ideya kung ano ang ginagawa ko,” sabi niya sa kanyang ama.
Ang sagot ng kanyang ama ay nagturo sa kanya ng mabisang aral, nagpaalala sa tiwala ng mission president niya sa kanya, at nakatulong sa kanya na maghanda sa mga tungkulin sa pamumuno sa hinaharap, kabilang na ang pagiging stake president sa edad na 37.
“Sabi ng aking ama, ‘Anak, ilang taong gulang ang Espiritu Santo?’” Paggunita ni Elder Becerra. “Iyon ay isang napakagandang pagkakataon na naturuan ako dahil alam ko na magagawa ko ang anumang ipagawa sa akin ng Panginoon.”
Nanatili kay Elder Becerra ang aral na iyon sa maraming taon ng tapat na paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Si Jorge Eduardo Torres Becerra ay ipinanganak noong Disyembre 18, 1962, kina Juan C. Becerra at Celia T. Becerra sa Salt Lake City, Utah, USA, kung saan siya lumaki.
Matapos maglingkod bilang full-time missionary, pinakasalan ni Elder Becerra si Debbie Ilene Schneberger sa Salt Lake Temple noong Agosto 10, 1984. Sila ay may limang anak.
Nagtapos si Elder Becerra ng degree in general studies mula sa University of Utah at ng associate of arts degree in accounting mula sa Salt Lake Community College. Nag-aral din siya ng business sa University of Phoenix. Noong 1998 naging kasosyo siya sa Allegis Advisor Group, isang financial advisory company. Nang tawagin siya bilang General Authority Seventy, nagtatrabaho siya bilang investment adviser para sa Intermountain Financial Partners.
Si Elder Becerra ay naglingkod bilang ward Young Men president, tagapayo sa mission presidency, tagapayo sa branch presidency, seminary teacher, tagapayo sa bishopric, bishop, stake president, at pangulo ng California Arcadia Mission. Nang tawagin siya sa kanyang bagong tungkulin, siya ay naglilingkod bilang Area Seventy.