2020
Bradley R. Wilcox
Mayo 2020


Bradley R. Wilcox

Pangalawang Tagapayo sa Young Men General Presidency

Habang nakikilahok sa isang youth conference sa California, nakilala ni Brother Bradley (Brad) R. Wilcox ang isang binatilyo na hindi talaga gustong pumunta roon. Sinamahan niya ang tinedyer sa ilalim ng isang malilim na puno, at hindi nagtagal pinag-usapan nila ang paboritong paksa ng binatilyo—skateboarding.

Hiniling ni Brother Wilcox sa tinedyer na pakitaan siya ng ilang mga galaw nito sa skateboarding. Napahanga siya nito kaya inanyayahan niya ang binatilyo na mag-demo ng skateboarding sa Especially for Youth noong tag-init na iyon. Tumanggi ang binatilyo pero pumayag na rin sa huli. Sa EFY, nagkaroon siya ng karanasang nagpabago sa kanyang buhay at nagkaroon siya ng patotoo sa ebanghelyo.

“Pumunta siya sa EFY para magpakita ng nalalaman niya sa skateboarding, pero sa pag-alis niya roon nagkaroon siya ng patotoo at hangaring maging missionary,” sabi ni Brother Wilcox.

“Maraming panahon sa buhay ko ang inukol ko sa mga bata at tinedyer,” sabi ni Brother Wilcox, “at mahal ko ang mga kabataan.”

Si Bradley Ray Wilcox ay ipinanganak sa Provo, Utah, USA, noong Disyembre 25, 1959, kina Ray T. Wilcox at Val C. Wilcox. Lumaki siya sa Provo pero tumira nang ilang taon sa Ethiopia noong bata pa siya.

Matapos magmisyon sa Chile Viña del Mar Mission, pinakasalan ni Brother Wilcox si Deborah Gunnell sa Provo Utah Temple noong Oktubre 7, 1982. Sila ay may apat na anak.

Natamo ni Brother Wilcox ang kanyang bachelor’s at master’s degree mula sa Brigham Young University at ang kanyang doctorate in education sa University of Wyoming. Siya ay ginawaran ng ilang parangal para sa kanyang mga nagawa sa edukasyon, nag-ukol nang mahigit 30 taon sa Especially for Youth program ng BYU, at ikinasiya nang labis ang pagtuturo sa Campus Education Week.

Si Brother Wilcox at ang kanyang pamilya ay tumira sa New Zealand at Spain habang pinangangasiwaan niya ang mga programa na pag-aaral sa ibang bansa para sa BYU. Sumulat siya ng ilang aklat at kasalukuyang nagtuturo sa Department of Ancient Scripture sa BYU.

Si Brother Wilcox ay naglingkod bilang pangulo ng Chile Santiago East Mission at bilang miyembro ng Sunday School general board, tagapayo sa stake presidency, at bishop ng young single adult ward. Nang tawagin siya sa tungkulin, siya ay naglilingkod bilang high councilor at bilang stake Young Men president.