2020
Mga Tampok na Kaganapan sa Ika-190 na Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Mayo 2020


Mga Tampok na Kaganapan sa Ika-190 na Taunang Pangkalahatang Kumperensya

Si Pangulong Russell M. Nelson ay may malinaw na mensahe sa pangkalahatang kumperensya: “Pakinggan Siya.”

“Dapat nating hangarin, sa lahat ng paraan, na pakinggan si Jesucristo, na nangungusap sa atin sa pamamagitan ng kapangyarihan at ministeryo ng Espiritu Santo,” pagtuturo ni Pangulong Nelson.

“Ang layunin nito at ng lahat ng pangkalahatang kumperensya ay tulungan tayong pakinggan Siya” (pahina 7).

Sa kumperensyang nakatuon sa Unang Pangitain at Pagpapanumbalik, itinuro sa atin na maririnig natin Siya, tulad ni Joseph Smith sa Sagradong Kakahuyan. Napapaligiran ng mga epekto ng isang pandemyang laganap sa mundo na nakakaapekto sa milyun-milyon, itinuro sa atin na pakinggan Siya para mapatnubayan tayo sa ating mga alalahanin. Sa ninanais na magandang kinabukasan para sa Simbahan at sa bawat isa sa atin, itinuro sa atin na panibaguhin ang ating mga pagsisikap na pakinggan Siya at sundin Siya.

“Ang maraming nakasisiglang bahagi nitong pangkalahatang kumperensya ng Abril 2020,” sabi ni Pangulong Nelson “… ay maibubuod sa dalawang salita ng Diyos: ‘Pakinggan Siya.’ Dalangin namin na ang tuon ninyo sa Ama sa Langit, na bumigkas sa mga salitang iyon, at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo, ay manatili sa inyong isipan sa lahat ng naganap.”

Kapag pinag-aralan ninyo ang mga mensahe sa kumperensyang ito at hinangad na “makinig, pakinggan, at dinggin ang mga salita ng Tagapagligtas,” makikita ninyo na natutupad sa inyong buhay ang pangako ng propeta na “mababawasan ang takot at madaragdagan ang pananampalataya” (pahina 114).

  • Ipinakilala ni Pangulong Nelson ang bagong simbolo para sa Simbahan sa pahina 73.

  • Ipinakilala ni Pangulong Nelson ang pagpapahayag tungkol sa Pagpapanumbalik sa pahina 91.

  • Pinangunahan ni Pangulong Nelson ang pandaigdigang kapita-pitagang kapulungan sa pahina 92.

  • Ibinalita ni Pangulong Nelson ang walong bagong templo sa pahina 115.

  • Alamin pa kung paano natin matutulungan ang iba na #PakingganSiya sa HearHim.ChurchofJesusChrist.org.