Liahona
Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan
Disyembre 2024


“Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan,” Liahona, Dis. 2024.

Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan

ang batang Cristo sa isang sabsaban

Detalye mula sa Light the World [Maging Ilaw ng Sanlibutan], ni Michael Malm, hindi maaaring kopyahin

Sa masayang panahong ito ng taon, nagpapasalamat kaming maipagdiwang na kasama ninyo ang pagsilang ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo.

Bagama’t Siya ay isinilang sa abang kalagayan, Siya ang pangunahing tauhan sa buong kasaysayan ng tao. Ang kanyang misyon ay nakakaapekto sa lahat ng nabuhay at mabubuhay pa. Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli, ginawa Niya ang hindi natin magagawa para sa ating sarili: ang daigin ang kamatayan at makipagkasundo sa ating Ama sa Langit.

Pinatototohanan namin na Siya ang Anak ng Amang Walang Hanggan, na “gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). Ibinabahagi namin ang aming patotoo at kaalaman tungkol sa pinakamahalagang kaloob na ito at inaanyayahan kayong gawin din ito ngayong Kapaskuhan.

mga lagda

Ang Unang Panguluhan