Liahona
Orléans, France
Disyembre 2024


“Orléans, France,” Liahona, Dis. 2024.

Narito ang Simbahan

Orléans, France

mapa ng mundo na may bilog sa paligid ng France
tulay sa France

Dumating ang mga unang missionary sa France noong 1849. Isinara ang misyong ito noong 1864 at muling binuksan noong 1908, pero nalimitahan ng mga digmaang pandaigdig ang presensya ng Simbahan hanggang sa makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang unang stake ay inorganisa sa Paris noong 1975. Noong 2011, ipinahayag ni Pangulong Thomas S. Monson ang Paris France Temple, na kalaunan ay inilaan noong Mayo 2017. Ngayon, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa France ay may:

  • 38,600 miyembro (humigit-kumulang)

  • 10 stake, 108 ward at branch, 2 mission

  • 1 templo (Paris)

Ang Kapangyarihan ng Aklat ni Mormon

Pinatotohanan ni Lucie Lee ng Lyon France Stake na: “Dahil pinag-aaralan natin ang Aklat ni Mormon ngayong taon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, nagtakda kami ng mithiin bilang pamilya na basahin ito sa loob ng apat na buwan, at nagkaroon kami ng napakaespirituwal na mga sandali habang ginagawa ito. Gustung-gusto ng mga bata na malaman ang lahat ng kuwento at kung paano naaangkop sa atin ang mga ito sa ating panahon.”

pamilya Lee