Digital Lamang
10 Kuwento na Magbibigay-inspirasyon sa Paglilingkod na Tulad ng kay Cristo at Ilawan ang Mundo
Mapapabuti ninyo ang mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagmamahal at paglilingkod ngayong Kapaskuhan.
Ang Kapaskuhan ay panahon para pagnilayan ang hamak na pagsilang at mahimalang buhay ng Tagapagligtas. Habang iniisip ninyo ang mga anghel na naglingkod sa mga pastol at nagbalita ng pagsilang ni Cristo, maaari kayong mabigyang-inspirasyon na ibahagi rin ang “magandang balita ng malaking kagalakan” (Lucas 2:10). Sinabi ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Habang papalapit ang Pasko, iniisip ko kung maaari tayong maging mas katulad ng hukbo ng mga anghel sa pagbisita sa mga makabagong pastol para maihatid ang magandang balita tungkol kay Cristo, kapayapaan at kapanatagan.”
Inulit ni Pablo ang sinabi ng Tagapagligtas nang sabihin niyang, “Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap” (Mga Gawa 20:35). Habang binabasa ninyo ang 10 kuwentong ito ng pag-ibig sa kapwa-tao at paglilingkod na tulad ng kay Cristo, maaari kayong umisip ng mga paraan na magiging anghel kayo sa buhay ng mga miyembro ng inyong pamilya at komunidad. Para makahanap ng iba pang paraan upang makapaglingkod at malaman ang tungkol sa kampanyang Light the World ng Simbahan, bisitahin ang lighttheworld.org.
1. “Kayo po ba ang Tatay Ko?”
Nang malaman ng anak ng may-akda ang tungkol sa isang pamilya na nahihirapan sa pagkamatay ng kanilang ina, agad siyang kumilos upang mangalap ng mga donasyong regalo at pera para sa mga bata.
2. “7 Tinedyer na Nagpapabago sa Mundo”
Ang edad ay walang limitasyon para sa mga tinedyer na ito sa buong mundo na nakahanap ng mga natatanging paraan upang maglingkod sa kanilang mga komunidad.
3. “Maging Mabait Lang”
Dalawang magkapatid na babae ang nabigyang-inspirasyon na magbenta ng mga ipinintang karatulang naghihikayat sa mga tao na “maging mabait” at ibigay ang kinita sa kawanggawa.
4. “Ang Pantakip sa Ilalim ng Christmas Tree ni Sharon”
Ipinaalala sa isang babae ang kakayahan ng Tagapagligtas na tubusin tayo nang regaluhan niya ang kanyang hipag ng gawang bahay na pantakip sa ilalim ng Christmas tree at nakatanggap ng magandang pantakip sa ilalim ng Christmas tree bilang kapalit.
5. “Nagkaroon ba Ako ng Oras na Paglingkuran ang Kaklase Ko?”
Isang binatilyo mula sa Venezuela ang isinantabi ang kanyang sariling mga alalahanin tungkol sa mga klase sa unibersidad nang mabigyan siya ng pagkakataong paglingkuran ang isang kaklase.
6. “Isang Mukha sa Bintana”
Isang babae mula sa Finland ang nakipag-ugnayan sa kanyang matandang kapitbahay at pinawi ang kalungkutan nito sa pamamagitan ng pagdadala sa kanya ng tinapay.
7. “Pangingisda para sa Tunay na Kahulugan ng Pasko”
Isang missionary na naglilingkod sa Pilipinas ang nakaranas ng Pasko sa bagong paraan nang ipagpalit niya ang handaan o party sa Pasko sa pangingisda para sa hapunan ng isang pamilya.
8. “Ang Itinuro sa Akin ng Isang Tinapay Tungkol sa Ministering”
Nang nalulula na ang isang babae sa dami ng responsibilidad, isang kapitbahay ang naghatid ng tinapay nang eksakto sa oras.
9. “Kailangan Ko Siyang Paglingkuran”
Natutuhan ng isang babae kung paano pinag-uugnay ng paglilingkod ang mga tao at binabago ang ministering mula sa pagiging obligasyon ito ay nagiging oportunidad.
10. “Paglilingkod sa Storehouse”
Nalaman ng isang batang lalaki ang tungkol sa kagalakan ng paglilingkod habang tumutulong siya sa storehouse ng mga bishop kasama ang kanyang ina.