“Nilisan nina Lehi at Saria ang Jerusalem,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
“Nilisan nina Lehi at Saria ang Jerusalem,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon
Nilisan nina Lehi at Saria ang Jerusalem
Ang babala ng Panginoon sa isang pamilya
Sina Lehi at Saria ay nanirahan sa Jerusalem kasama ng kanilang mga anak. Nakakita si Lehi ng pangitain mula sa Panginoon. Nakita niya na isang Tagapagligtas ang darating sa mundo balang-araw. Ipinakita rin sa kanya ng Panginoon na mawawasak ang Jerusalem.
Sinabi ni Lehi sa mga tao ang tungkol sa kanyang pangitain. Sinabi niya sa kanila na darating si Jesucristo balang-araw upang iligtas ang mundo.
Sinabi rin ni Lehi sa mga tao na mawawasak ang Jerusalem. Inanyayahan niya silang magsisi.
Nagalit ang mga tao. Muling nakipag-usap ang Panginoon kay Lehi sa panaginip. Nalaman ni Lehi na siya at ang kanyang pamilya ay hindi magiging ligtas sa Jerusalem. Kailangan nilang umalis.
Sumunod sina Lehi at Saria sa Panginoon. Umalis sila sa lungsod kasama ang kanilang pamilya. Sina Lehi at Saria ay may apat na anak na lalaki na nagngangalang Laman, Lemuel, Sam, at Nephi. Kinailangan nilang iwanan ang kanilang tahanan at ang magagandang kagamitan nila.
Naglakbay ang pamilya sa ilang sa tabi ng Dagat na Pula. Pinasalamatan ni Lehi ang Panginoon sa pagbabasbas sa kanyang pamilya. Itinuro niya sa kanyang pamilya na sundin ang Panginoon at sundin ang Kanyang mga utos.
Nagreklamo sina Laman at Lemuel. Hinahanap-hanap nila sa kanilang tahanan at ang lahat ng bagay na iniwan nila. Hindi nila naunawaan kung bakit inutusan sila ng Panginoon na umalis. Hindi sila naniwala na mawawasak ang malaking lungsod na tulad ng Jerusalem.
Naisip nina Laman at Lemuel na guniguni lang ni Lehi ang kanyang mga pangitain. Paano kung mawala ang kanilang pamilya sa ilang magpakailanman?
Gustong malaman ni Nephi sa kanyang sarili kung ang sinabi ni Lehi ay totoo. Nagdasal siya at nagtanong sa Panginoon.
Ipinadala ng Panginoon ang Espiritu Santo upang tulungan si Nephi na maniwala sa mga salita ng kanyang ama. Naniwala si Nephi sa Panginoon at ibinahagi ang natutuhan niya sa kanyang mga kapatid. Nakinig si Sam kay Nephi at naniwala sa kanya, pero hindi nakinig sina Laman at Lemuel.