“Isang Bagyo sa Dagat,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
“Isang Bagyo sa Dagat,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon
Isang Bagyo sa Dagat
Pagkakaroon ng kapayapaan sa Panginoon
Sinabi ng Panginoon kay Lehi na oras na para sumakay sa barko. Nag-impake ang mga pamilya ng maraming makakain habang naglalakbay sila. Pagkatapos ay sumakay silang lahat sa barko at naglayag papunta sa lupang pangako.
Pagkaraan ng maraming araw sa dagat, ang ilan sa mga tao ay nagsimulang maging walang paggalang at bastos. Nalimutan nila na tinulungan sila ng Panginoon.
Nag-alala si Nephi na baka mapagalit nila ang Panginoon. Kung wala ang tulong ng Panginoon, hindi magiging ligtas ang kanilang barko. Hiniling ni Nephi sa kanyang mga kapatid na tumigil.
Nagalit sina Laman at Lemuel kay Nephi. Itinali nila siya at naging masama sa kanya. Hindi nila sinunod ang Panginoon, at hindi na gumana ang Liahona. Hindi nagtagal ay dumating ang isang malakas na bagyo. Pagkaraan ng tatlong araw ng pagbagyo, natakot silang lahat na baka malunod sila.
Nagmakaawa ang pamilya ni Nephi kina Laman at Lemuel na kalagan si Nephi. Pero hindi pa rin hinayaan nina Laman at Lemuel na kalagan ng sinuman si Nephi. Sina Saria at Lehi ay nalungkot at nagkasakit nang malubha. Hindi tumigil ang pagbagyo.
Sa ikaapat na araw, nalaman nina Laman at Lemuel na malapit nang lumubog ang barko. Nagsisi sila at kinalagan si Nephi. Nang manalangin si Nephi, tumigil ang pagbagyo. Muling gumana ang Liahona. Ginamit ito ni Nephi para imaniobra ang barko sa tamang direksyon.
Pagkaraan ng maraming araw, nakarating ang mga pamilya sa lupang pangako.