“Kababaihan sa Ilang,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
Kababaihan sa Ilang
Paglakad kasama ng Panginoon
Naglakbay ang mga anak na babae ni Ismael kasama ang kanilang pamilya sa ilang. Mahirap ang paglalakbay. Pagkaraan ng ilang panahon, pinakasalan nila ang mga anak nina Lehi at Saria.
Isang araw, namatay si Ismael. Napakalungkot ng kanyang mga anak na babae. Nangulila sila sa kanilang ama. Nag-alala ang mga anak na babae na sila at ang kanilang mga pamilya ay mamamatay rin sa ilang. Nagalit sila kina Lehi at Nephi, at gusto nilang umuwi sa Jerusalem.
Ang tinig ng Panginoon ay nangusap sa mga anak na babae ni Ismael at sa kanilang mga pamilya. Nagsisi sila, at pinagpala sila ng Panginoon.
Ang mga kababaihan ay nanganak sa ilang. Si Saria ay nagkaroon ng dalawa pang anak na lalaki na sina Jacob at Jose.
Tinulungan ng Panginoon ang kababaihan sa kanilang paglalakbay. Biniyayaan Niya sila ng maraming gatas para sa kanilang mga sanggol. Tinulungan Niya ang mga babae na maging mas malakas habang naglalakbay sila.
Sinabi ng Panginoon na inaakay Niya ang mga anak na babae at ang kanilang mga pamilya papunta sa isang lupang pangako. Ipinangako ng Panginoon sa mga pamilya na matatamo nila ang lahat ng kailangan nila habang naglalakbay sila. Ginawa Niyang masarap ang pagkaing mula sa kanilang pangangaso, at ginabayan Niya sila.
Pagkaraan ng walong taon sa ilang, nakarating ang mga pamilya sa dagat. Nagalak ang mga babae kasama ng kanilang pamilya. Ang lupain sa dagat ay maganda. Tinawag nila itong Masagana dahil puno ito ng prutas at pulot na makakain. Inihanda ng Panginoon ang lahat ng ito para sa kanila.