Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Nephi at ang mga Laminang Tanso


“Si Nephi at ang mga Laminang Tanso,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

1 Nephi 4–5

Si Nephi at ang mga Laminang Tanso

Matutuhang sundin ang Espiritu

si Nephi na papunta sa gusali at mga kapatid na nakamasid

Bumalik sina Laman, Lemuel, Sam, at Nephi sa Jerusalem kinagabihan. Nagpunta si Nephi sa bahay ni Laban habang nagtago naman ang kanyang mga kapatid sa labas ng lungsod.

1 Nephi 4:4–5

si Nephi na nakatingin kay Laban na nakabulagta sa lupa

Hinayaan ni na gabayan siya Nephi ng Espiritu. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin, pero alam niya na tutulungan siya ng Panginoon na makuha ang mga laminang tanso.

1 Nephi 4:6

si Nephi na hawak ang isang espada

Nang malapit na si Nephi sa bahay ni Laban, natagpuan niya si Laban na nakabulagta sa lupa. Lasing si Laban. Nakita ni Nephi ang espada ni Laban at dinampot niya ito.

1 Nephi 4:7–9

si Nephi na palayo na kay Laban

Habang nakatingin si Nephi sa espada, sinabi sa kanya ng Espiritu na patayin si Laban. Pero ayaw ni Nephi na patayin siya. Sinabi ng Espiritu kay Nephi na mas mabuting mamatay si Laban kaysa hindi magkaroon ng mga banal na kasulatan ang pamilya ni Nephi. Kailangan nila ang mga kautusan ng Diyos na nakasulat sa mga laminang tanso.

1 Nephi 4:10–11, 13–17

si Nephi na nagdarasal

Alam ni Nephi na tinangka siyang patayin ni Laban. Ninakaw din ni Laban ang kanilang ari-arian at ayaw nitong sumunod sa mga kautusan ng Diyos.

1 Nephi 4:11

si Nephi na suot ang mga damit ni Laban

Muling sinabi ng Espiritu kay Nephi na patayin si Laban. Alam ni Nephi na naghanda ng paraan ang Panginoon para makuha niya ang mga laminang tanso. Pinili niyang sundin ang Espiritu. Pinatay ni Nephi si Laban at isinuot ang damit ni Laban.

1 Nephi 4:12–13, 17–19

si Nephi na kinakausap si Zoram

Pagkatapos ay nagpunta si Nephi sa kabang-yaman ni Laban at nakilala ang tagapagsilbi ni Laban na si Zoram. Kumilos si Nephi at nagsalita na katulad ni Laban.

1 Nephi 4:20–23, 35

si Zoram na hawak ang mga laminang tanso

Sinabi ni Nephi kay Zoram na kailangan niya ang mga laminang tanso. Pagkatapos ay sinabi ni Nephi kay Zoram na sumama sa kanya. Inakala ni Zoram na si Nephi ay si Laban, kaya ginawa niya ang gusto ni Nephi.

1 Nephi 4:24–26

magkakapatid na tumatakbo palayo kay Nephi

Nang nakalabas na ng lungsod sina Nephi at Zoram, inakala nina Laman, Lemuel, at Sam na si Nephi ay si Laban. Natakot sila at nagsimulang tumakas.

1 Nephi 4:28

magkakapatid na nag-uusap at si Zoram na nakalingon

Tinawag ni Nephi ang kanyang mga kapatid. Nang malaman nilang ito ay si Nephi, tumigil sila sa pagtakbo. Pero natakot si Zoram at nagtangkang bumalik sa Jerusalem.

1 Nephi 4:29–30

si Nephi na kinakausap si Zoram

Pinigilan ni Nephi si Zoram. Sinabi niya kay Zoram na iniutos sa kanila ng Panginoon na kunin ang mga lamina. Inanyayahan niya si Zoram na sumama sa kanila sa lupang pangako. Nalaman ni Zoram na maaari siyang maging isang malayang tao, hindi na isang tagapagsilbi, at nangakong sasama kay Nephi at sa kanyang pamilya.

1 Nephi 4:31–37

si Nephi at mga kapatid at si Zoram na binabati sina Saria at Lehi

Naglakbay sila pabalik kina Lehi at Saria. Masayang-masaya sina Lehi at Saria na makita ang kanilang mga anak. Inakala ni Saria na namatay na ang kanyang mga anak. Dahil nanatiling ligtas ang kanyang mga anak, nagtiwala na siya ngayon na inutusan ang kanilang pamilya na umalis sa Jerusalem. Nag-alay ng mga hain ang pamilya nina Lehi at Saria para pasalamatan ang Panginoon.

1 Nephi 4:38; 5:1–9

si Lehi na binabasa ang mga laminang tanso kasama ng kanyang pamilya.

Binasa ni Lehi ang mga laminang tanso. Nakita niya na ang mga lamina ay may mga katuruan ng mga propeta. Nalaman din niya na ang isa sa kanyang mga ninuno ay si Jose, na ipinagbili sa Egipto ng kanyang mga kapatid noong unang panahon. Alam ni Lehi na napakahalaga ng mga laminang tanso. Alam niya na nais ng Panginoon na mapasakamay ng kanyang pamilya ang mga kautusan.

1 Nephi 5:10–22