“Si Corianton,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
Si Corianton
Muling pagbaling sa Panginoon
Si Corianton ay isa sa mga anak ni Alma. Sumama siya sa kanyang ama, sa kanyang kapatid na si Siblon, at sa iba pa upang turuan ang isang grupo ng mga tao na tinatawag na mga Zoramita tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Habang kasama ni Corianton ang mga tao, natukso siyang magkasala. Sa halip na sundin ang Panginoon, pinili niyang gawin ang mga bagay na labag sa mga kautusan ng Diyos. Dahil sa ginawa niya, hindi naniwala ang ilan sa mga Zoramita sa itinuro nina Alma at ng kanyang mga anak.
Inanyayahan ni Alma si Corianton na magsisi at bumaling sa Panginoon para sa kapatawaran. Nag-alala si Corianton tungkol sa mga bahagi ng plano ng Panginoon. Tinulungan ni Alma ang kanyang anak na maunawaan ang plano ng kaligayahan ng Panginoon, ang Pagbabayad-sala ni Cristo, pagkabuhay na mag-uli, at ang kabilang-buhay. Ipinaalala sa kanya ni Alma na ang Panginoon ay may gawaing ipinagagawa sa kanya.
Nakinig si Corianton sa kanyang ama. Nanampalataya siya kay Jesus at nagsisi sa kanyang mga kasalanan. Nalaman niya na ang Panginoon ay makatarungan at mapagmahal at mabait din. Muling nagturo si Corianton kasama ng kanyang ama at kapatid. Tinuruan nila ang maraming tao tungkol sa kagalakan at kapayapaan sa pagsisisi at pamumuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo.