Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Dumalaw si Jesus sa mga Tao


“Dumalaw si Jesus sa mga Tao,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

3 Nephi 7–11

Dumalaw si Jesus sa mga Tao

Pagtulong sa bawat tao na maniwala sa Kanya

isang pamilya na pinagmamasdan ang kalangitan, at ang ibang tao sa lungsod ay nagtatalo

Marami sa mga tao ang ayaw makinig sa mga propeta ng Diyos. Pero may ilang tao na naniwala sa itinuro ng mga propeta. Hinintay ng mga mananampalatayang ito ang mga palatandaan ng kamatayan ni Jesucristo.

3 Nephi 7:16–26; 8:1–4

sinisira ng kidlat, bagyo, baha, lindol, at sunog ang isang lungsod

Nang mamatay si Jesus sa Jerusalem, nagsimula ang mga palatandaan. Sa Amerika, nagkaroon ng mga bagyo, lindol, at sunog sa loob ng tatlong oras. Nawasak ang mga lungsod, at maraming tao ang namatay. Pagkatapos ay nagkaroon ng ganap na kadiliman sa loob ng tatlong araw.

3 Nephi 8:5–19, 23

may taong nagtatangkang magsindi ng apoy, pero hindi ito nagsisindi at ang lahat ay madilim

Napakatindi ng kadiliman kaya hindi makita ng mga tao ang araw, buwan, o mga bituin. Ni hindi sila makapagpaningas ng apoy o kandila.

3 Nephi 8:20–23

madilim pa rin, nagtutulungan ang mga tao sa isang sirang gusali, at umiiyak at nagdarasal ang isang tao

Marami sa mga taong buhay pa ang lubhang nalungkot at natakot. Umiyak sila at nalungkot na hindi sila nagsisi noon pa.

3 Nephi 8:24–25

madilim pa rin, nakatingin ang mga tao sa kalangitan, at ang taong nagdarasal ay tumigil na sa pag-iyak

Bigla silang nakarinig ng isang tinig. Ito ay si Jesus na nagsasalita sa kanila. Nangako Siyang pagagalingin ang lahat ng nagsisisi. Sinabi ni Jesus sa kanila na Siya ay namatay at nabuhay muli upang tulungan ang lahat ng tao. Namangha ang mga tao kaya tumigil sila sa pag-iyak. Nagkaroon ng katahimikan sa lupain sa loob ng maraming oras.

3 Nephi 9; 10:1–2

mga pamilya na nakapabilog at nakangiti, at hindi na madilim

Muling nagsalita si Jesus. Sinabi Niya sa mga tao na tutulungan Niya sila kung pipiliin nilang sumunod sa Kanya. Nahawi na ang kadiliman, at tumigil ang pagyanig ng lupa. Masaya ang mga tao at pinuri nila si Jesus.

3 Nephi 10:3–10

isang malaking grupo ng mga tao ang nagtitipon sa paligid ng templo, at nakatingin sila sa langit habang nagsisimulang makaaninag ng liwanag sa madilim na ulap

Pagkaraan ng mga isang taon, maraming tao ang nagpunta sa templo sa lupaing Masagana. Pinag-usapan nila si Jesus at ang mga palatandaan ng Kanyang kamatayan. Habang nag-uusap sila, narinig nila ang isang mahinahong tinig mula sa langit. Noong una, hindi nila ito maintindihan. Pagkatapos ay narinig nila ito muli.

3 Nephi 8:5; 10:18; 11:1–4

bumababa si Jesucristo mula sa kalangitan, at ang mga tao ay masasaya at tinatanggap Siya

Nang marinig nila ang tinig sa ikatlong pagkakataon, tumingin sila sa langit. Ang Ama sa Langit ang nagsasalita. Sinabi Niya sa mga tao na tingnan at pakinggan ang Kanyang Anak. Pagkatapos ay nakita ng mga tao ang isang lalaking nakasuot ng puting bata na bumababa mula sa langit.

3 Nephi 11:5–8

nakatayo si Jesucristo sa gitna ng mga tao, at ang mga tao ay lumalapit sa Kanya at hinahawakan ang mga marka ng pako sa Kanyang mga palad

Tumayo ang lalaki sa gitna ng mga tao at nagsabing, “Ako si Jesucristo.” Bumagsak ang mga tao sa lupa. Sinabi ni Jesus sa kanila na Siya ay nagdusa at namatay para sa lahat. Inanyayahan Niya ang mga tao na hawakan ang mga marka sa Kanyang mga kamay, paa, at tagiliran upang malaman nila na Siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan.

3 Nephi 11:8–14

nakaupo si Jesucristo sa mga hagdan ng templo, at ang mga tao ay lumalapit sa Kanya at hinahawakan ang mga marka ng pako sa Kanyang mga palad

Isa-isang lumapit ang mga tao kay Jesus. Nakita ng mismong mga mata nila at nadama ng sarili nilang mga kamay ang mga marka sa Kanyang mga kamay, paa, at tagiliran. Alam nilang lahat na Siya ang sinabi ng mga propeta na darating. Alam nila na Siya ang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang mga tao ay nagpatirapa sa paanan ni Jesus at sumamba sa Kanya.

3 Nephi 11:15–17