Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Bumalik si Jesus sa Kanyang Ama


“Bumalik si Jesus sa Kanyang Ama,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

3 Nephi 28; 4 Nephi 1

2:38

Bumalik si Jesus sa Kanyang Ama

Paglilingkod sa Kanyang mga disipulo bago Siya umalis

kinakausap ni Jesucristo ang maraming tao

Itinuro ni Jesus sa mga tao ang Kanyang ebanghelyo. Tinuruan Niya silang mahalin ang Diyos at paglingkuran ang isa’t isa. Hindi magtatagal ay babalik si Jesus sa Kanyang Ama. Iniutos Niya sa mga disipulo na patuloy na turuan ang mga tao pagkatapos ng Kanyang pag-alis.

3 Nephi 11:41; 28:1

si Jesucristo na nakangiti at nakaunat ang Kanyang kamay

Bago Siya umalis, tinanong ni Jesus ang bawat isa sa Kanyang mga disipulo kung ano ang gusto nilang gawin Niya para sa kanila. Karamihan sa mga disipulo ay nagsabi na gusto nilang makapiling si Jesus matapos silang maglingkod sa Kanya sa lupa. Nangako si Jesus sa kanila na sila ay mabubuhay kasama Niya pagkatapos nilang mamatay.

3 Nephi 28:1–3

tatlong disipulo na mukhang nag-aalala

Nalungkot ang tatlo sa mga disipulo dahil labis silang nag-alangang sabihin kay Jesus ang gusto nila. Ngunit alam ni Jesus kung ano ang gusto nila sa Kanya. Gusto nilang mabuhay hanggang sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas upang matulungan nila ang mas maraming tao na lumapit kay Jesus.

3 Nephi 28:4–7, 9

kinakausap ni Jesucristo ang tatlong disipulo

Nangako si Jesus sa kanila na hindi sila mamamatay. Mananatili sila sa lupa at tutulungan ang mga tao na lumapit sa Kanya hanggang sa Kanyang Ikalawang Pagparito.

3 Nephi 28:7–11

si Jesucristo na pumapaitaas sa himpapawid at napaliligiran ng liwanag

Hinipo ni Jesus ang bawat disipulo ng Kanyang daliri maliban sa tatlo na nais manatili. Pagkatapos ay umalis na si Jesus at bumalik sa Ama sa Langit.

3 Nephi 28:1, 12

ang tatlong disipulo ay nakangiti at bahagyang nagniningning

Pagkatapos nito, bumukas ang kalangitan at ang tatlong disipulo ay dinala sa langit. Marami silang nakita at narinig na mga kamangha-manghang bagay at sinabihan silang huwag magsalita tungkol dito. Nagbago rin ang kanilang katawan upang hindi sila mamatay o makaramdam ng sakit.

3 Nephi 28:13–15, 36–40

ang mga disipulo na nagbibinyag ng mga tao

Bumalik ang mga disipulo at patuloy na itinuro sa mga tao ang tungkol kay Jesus. Ninais ng mga tao na sundin si Jesus at nagpabinyag sila sa Kanyang Simbahan. Ang pagmamahal ng Diyos ay nasa kanilang puso, at ibinahagi nila ang lahat ng mayroon sila sa isa’t isa. Sila ay naging masaya, at pinagpala sila ng Diyos. Lahat ay namuhay nang payapa sa loob ng halos 200 taon.

3 Nephi 28:16–18, 23; 4 Nephi 1:1–23