“Isang Babaeng Tagapagsilbi na Nephita,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
Isang Babaeng Tagapagsilbi na Nephita
Pagtulong na protektahan ang kanyang mga tao
Nagtrabaho ang isang babaeng tagapagsilbi sa isang pinunong Nephita na nagngangalang Morianton. Nagdudulot ng kaguluhan si Morianton sa mga tao. Sinalakay niya ang isang grupo ng mga Nephita at tinangkang sakupin ang kanilang lupain. Pagkatapos ay binalak niyang maglakbay pahilaga kasama ang kanyang mga tao upang sakupin ang lupain doon.
Isang araw, nagalit si Morianton sa babaeng tagapagsilbi. Binugbog at sinaktan niya ito. Tumakas ang babaeng tagapagsilbi at tumakbo patungo sa kampo ni Kapitan Moroni. Sinabi niya kay Moroni ang tungkol sa masasamang bagay na ginawa ni Morianton. Naniwala sa kanya si Moroni.
Sinabi rin ng babaeng tagapagsilbi na nais ni Morianton na umalis at sakupin ang lupain sa hilaga. Nag-alala si Moroni. Maaaring manganib ang mga Nephita kung sasakupin ni Morianton ang lupain sa hilaga. Maaaring maging dahilan ito upang mawalan ng kalayaan ang mga tao.
Nagpadala si Moroni ng hukbo upang pigilan si Morianton. Nakipaglaban ang mga tao ni Morianton sa hukbo at natalo sila. Nangako sila na magiging payapa at babalik sa kanilang lupain. Dahil binalaan ng babaeng tagapagsilbi si Moroni, nanatiling ligtas ang mga lungsod ng mga Nephita.