“Pumili si Jesus ng Labindalawang Disipulo,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
3 Nephi 11; 13; 18
Pumili si Jesus ng Labindalawang Disipulo
Kapangyarihang magturo at magbinyag
Nang dumating si Jesucristo sa lungsod ng Masagana, pumili Siya ng labindalawang tao at binigyan sila ng kapangyarihang magturo at magbinyag. Binigyan din Niya sila ng kapangyarihang ibigay ang kaloob na Espiritu Santo. Tinawag Niya silang Kanyang mga disipulo. Ginawa ng mga disipulo ang mga bagay na itinuro sa kanila ni Jesus.
3 Nephi 11:1, 18–22, 41; 12:1; 15:11–12; 18:36–37
Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo kung paano magbinyag. Sinabi Niya sa kanila ang mga salitang dapat nilang sabihin. Itinuro Niya sa kanila na ilubog ang tao sa ilalim ng tubig at tulungan silang umahon. Sinabi ni Jesus na laging magbinyag sa paraan na itinuro Niya sa kanila. Itinuro rin Niya sa kanila ang tungkol sa Espiritu Santo.
Gusto ni Jesus na ang Kanyang mga disipulo ay nagkakasundo at hindi nagtatalo. Sinabi Niya na kapag nagtalo sila, hindi nila sinusunod ang Kanyang mga turo.
Itinuro ni Jesus sa mga tao na maniwala sa Kanya, magsisi, at magpabinyag upang makapiling nilang muli ang Ama sa Langit.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na kung naniniwala sila sa Kanya, naniniwala rin sila sa Ama sa Langit. Tutulungan sila ng Espiritu Santo na malaman na si Jesus at ang Ama sa Langit ay totoo.
Nang matapos turuan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo, sinabi Niya sa kanila na humayo at turuan ang lahat ng tao. Sinabi Niya na huwag alalahanin kung ano ang kanilang kakainin, iinumin, o isusuot. Sinabi Niya sa kanila na kung maglilingkod sila sa Ama sa Langit, aalagaan sila ng Ama sa Langit.