“Ang Nakababatang Alma,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
“Ang Nakababatang Alma,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon
Ang Nakababatang Alma
Isang malaking pagbabago
Binigyan ni Haring Mosias ng kapangyarihan si Alma na pamunuan ang Simbahan sa Zarahemla. Tinuruan ni Alma ang mga tao na magsisi at manampalataya sa Panginoon.
Si Alma ay may anak na lalaki na Alma rin ang pangalan. Hindi naniwala ang Nakababatang Alma sa itinuro ng kanyang ama.
Si Mosias ay may mga anak na lalaki na hindi rin naniwala sa Panginoon. Sila ay mga kaibigan ng Nakababatang Alma. Gusto nilang lahat na umalis ang mga tao ang Simbahan. Inakay ni Alma at ng mga anak ni Mosias ang maraming tao na gawin ang mga bagay na labag sa mga kautusan ng Diyos.
Isang araw, nagpadala ang Panginoon ng isang anghel upang pigilan sila. Sinabihan sila ng anghel na tigilan ang pagtatangkang wasakin ang Simbahan ng Diyos. Si Alma at ang mga anak ni Mosias ay labis na natakot na bumagsak sila sa lupa.
Hindi makapagsalita o makakilos si Alma nang tatlong araw at tatlong gabi. Nalungkot talaga siya dahil sa lahat ng maling bagay na nagawa niya. Nag-alala rin siya dahil inakay niya ang maraming tao palayo sa Panginoon.
Nakadama ng labis na pasakit si Alma dahil sa kanyang mga kasalanan. Pagkatapos ay naalala niya na nagsasalita ang kanyang ama tungkol kay Jesucristo, ang Anak ng Diyos.
Ipinagdasal ni Alma na patawarin siya ni Jesus. Matapos siyang manalangin, hindi na niya maalala ang sakit na nadama niya. Nalaman niya na pinatawad na siya ng Panginoon. Hindi na masama ang pakiramdam niya dahil sa kanyang mga kasalanan. Sa halip, naging napakasaya ni Alma.
Mosias 27:24, 28–29; Alma 36:18–22
Nanumbalik na ang lakas ni Alma. Siya at ang mga anak ni Mosias ay nagpasiyang magsisi at magsikap na ayusin ang lahat ng pasakit na idinulot nila. Mula noon ay pinaglingkuran na nila ang Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa iba na magsisi. Naglakbay sila sa lupain na pinamunuan ni Mosias at tinuruan ang mga tao tungkol kay Jesus.
Mosias 27:20–24, 32–37; Alma 36:23–26
Nais ni Alma at ng mga anak ni Mosias na ibahagi ang kaligayahan na naidulot ng mga turo ni Jesus sa kanilang buhay. Nagsikap sila nang husto upang mapaglingkuran ang Panginoon at ang mga tao. Pinili ng mga anak ni Mosias na umalis at magturo sa mga Lamanita tungkol kay Jesus. Pinili ni Alma na manatili at patuloy na magturo sa mga Nephita.