“Ang Propetang si Mormon,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
Mga Salita ni Mormon 1; Mormon 1–8
Ang Propetang si Mormon
Pagsulat sa Aklat ni Mormon
Si Mormon ay isang Nephita na naniwala kay Jesucristo. Lumaki siya sa panahong maraming tao ang hindi sumusunod sa mga utos ng Diyos. Ninakawan at pinatay ng mga tao ang isa’t isa nang dahil sa pera at kapangyarihan. Maraming digmaan noon.
3 Nephi 5:12–13; 4 Nephi 1:27–49; Mormon 1:1–3, 15, 18–19
Noong 10 taong gulang si Mormon, isang lalaking nagngangalang Ammaron ang lumapit sa kanya. Si Ammaron ang nag-ingat ng mga talaan ng kasaysayan ng Nephita. Nagtiwala si Ammaron kay Mormon at sinabi sa kanya na ang mga talaan ay nakatago sa isang burol. Sinabi ni Ammaron na kapag 24 na taong gulang na si Mormon, dapat isulat ni Mormon ang nakita niya tungkol sa kanilang mga tao at idagdag ito sa mga talaan.
Nang lumaki na si Mormon, naalala niya ang ipinagagawa sa kanya ni Ammaron. Noong 15 taong gulang na si Mormon, binisita siya ng Panginoon. Nalaman ni Mormon ang tungkol sa kabutihan ni Jesus.
Kahit bata pa si Mormon, malakas siya. Pinili siya ng mga Nephita na mamuno sa kanilang mga hukbo. Mahal ni Mormon ang mga tao nang buong puso. Gusto niyang sumunod sila sa Diyos at maging masaya.
Mormon 2:1–2, 12, 15, 19; 3:12
Sinikap tulungan ni Mormon ang mga tao. Araw-araw niyang ipinagdasal sila. Alam ng mga tao na gumagawa sila ng masama, pero ayaw nilang magsisi. Wala na sa kanila ang kapangyarihan ng Diyos na tutulong sa kanila. Dahil wala silang pananampalataya, tumigil na ang mga himala. Nagpatuloy sila sa pakikipaglaban, at marami sa kanila ang namatay. Nalungkot si Mormon.
Mormon 1:13–14, 16–19; 2:23–27; 3:1–12; 4:5, 9–12; 5:1–7
Noong mga 24 na taong gulang si Mormon, nagpunta siya sa burol kung saan nakatago ang mga talaan. Sinimulan niyang isulat ang mga kuwento at turo ng mga tao sa mga laminang metal. Tinulungan siya ng Diyos na malaman kung ano ang dapat niyang isulat. Maraming taon na nagtrabaho si Mormon para magawa ang talaan. Ngayon, ang talaan ay tinatawag na Aklat ni Mormon.
Mga Salita ni Mormon 1:3–9; Mormon 1:3–4; 2:17–18
Matapos ang maraming digmaan, halos lahat ng Nephita ay napatay na ng mga Lamanita. Alam ni Mormon na malapit nang maubos ang kanyang mga tao. Nalungkot siya dahil hindi sila nagsisi at hindi humingi ng tulong sa Diyos. Pero nanalangin siya at hiniling sa Diyos na protektahan ang mga lamina. Alam niyang magiging ligtas ang mga lamina dahil laman ng mga ito ang mga salita ng Diyos.
Mga Salita ni Mormon 1:11; Mormon 5:11; 6:6, 16–22
Nais ni Mormon na maniwala ang mga tao kay Jesus. Umasa siya na marami ang magbabasa ng aklat sa hinaharap. Lalo niyang gustong basahin ito ng mga pamilya ng mga Lamanita balang-araw. Kung gagawin nila ito, malalaman nila ang tungkol kay Jesus. Bago namatay si Mormon, ibinigay niya ang talaan sa kanyang anak na si Moroni upang maging ligtas ito.
Mga Salita ni Mormon 1:1–2; Mormon 3:17–22; 5:8–24; 6:6; 7; 8:1