“Sina Gedeon, Alma, at Nehor,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
“Sina Gedeon, Alma, at Nehor,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon
Sina Gedeon, Alma, at Nehor
Pagtatanggol sa katotohanan gamit ang mga salita ng Diyos
Pinili ng mga Nephita ang Nakababatang Alma na maging punong hukom nila. Si Alma rin ang mataas na saserdote ng Simbahan.
Isang lalaking nagngangalang Nehor ang nagsimulang magturo sa mga tao ng isang bagay na tinawag niyang salita ng Diyos. Pero itinuro niya sa mga tao na hindi nila kailangang sundin ang Diyos o magsisi.
Nagustuhan at pinaniwalaan ng maraming tao ang mga sinabi ni Nehor. Gusto niyang bigyan siya ng mga tao ng pera at purihin siya. Inakala niya na mas magaling siya kaysa sa ibang tao. Gumawa siya ng sarili niyang simbahan, at maraming tao ang nakinig sa kanya.
Isang araw, nakilala ni Nehor ang isang matandang lalaki na nagngangalang Gedeon. Si Gedeon ay isang guro sa Simbahan ng Diyos at nakagawa ng maraming kabutihan. Gusto ni Nehor na lisanin ng mga tao ang Simbahan, kaya nakipagtalo siya kay Gedeon. Ginamit ni Gedeon ang mga salita ng Diyos para ipakita na hindi itinuturo ni Nehor ang katotohanan. Nagalit si Nehor! Pinatay niya si Gedeon gamit ang kanyang espada.
Dinala ng mga tao si Nehor kay Alma upang mahatulan. Tinangka ni Nehor na ipagtanggol ang kanyang nagawa. Ayaw niyang maparusahan.
Sinabi ni Alma na ang mga turo ni Nehor ay mali at makasasakit sa mga tao. Sinunod ni Alma ang batas. Dahil pinatay ni Nehor si Gedeon, si Nehor ay nahatulang mamatay.
Bago siya namatay, sinabi ni Nehor sa mga tao na nagsinungaling siya. Hindi niya itinuro ang salita ng Diyos. Kahit sinabi ni Nehor na mali siya, maraming tao ang sumunod sa kanyang halimbawa. Nagsinungaling sila sa mga tao upang makakuha ng papuri at pera. Pero nakinig ang ibang tao kay Alma. Inalagaan nila ang mga maralita at sinunod ang mga utos ng Diyos.