Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Pananampalataya ng Isang Reyna


“Ang Pananampalataya ng Isang Reyna,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

“Ang Pananampalataya ng Isang Reyna,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

Alma 18–19

Ang Pananampalataya ng Isang Reyna

Pagkakaroon ng kagalakan kay Jesucristo

asawa ng reyna na bumabagsak sa sahig

Isang reyna ng mga Lamanita ang namuno kasama ng kanyang asawang si Haring Lamoni. Hiniling ng hari sa isang Nephita na nagngangalang Ammon na ituro sa kanya ang tungkol sa Panginoon. Naniwala ang hari sa sinabi sa kanya ni Ammon. Lumuhod ang hari upang manalangin at hiniling sa Panginoon na patawarin siya. Habang siya ay nananalangin, bumagsak ang hari sa lupa. Tila ba siya ay namatay na.

Alma 43, 24-42

reyna na nakatingin sa kanyang bumagsak na asawa

Ang hari ay dinala ng mga tagapagsilbi nito sa reyna. Inilagay nila siya sa kanyang kama. Nakahiga siya roon at hindi kumilos nang dalawang araw at dalawang gabi.

Alma 18:43

reyna na nakikipag-usap sa tagapaglingkod

Noong panahong iyon, lungkot na lungkot ang reyna at ang kanyang mga anak. Nanatili silang kasama ng hari at iniyakan ito. Sinabi ng ilang tao na dapat nang ilibing ang hari. Pero gusto munang kausapin ng reyna si Ammon. Narinig niya na may kapangyarihan siya ng Diyos. Hiniling ng mga tagapagsilbi ng reyna kay Ammon na pumunta sa reyna.

Alma 18:43; 19:1–3, 5

reyna na nakikipag-usap kay Ammon

Sinabi ng reyna kay Ammon na narinig niya na siya ay isang propeta ng Diyos. Hiniling niya kay Ammon na puntahan at tingnan ang hari. Alam ni Ammon na buhay ang hari. Ang kapangyarihan ng Diyos ang dahilan kaya nakatulog ang hari. Sinabi ni Ammon sa reyna na magigising ang kanyang asawa kinabukasan.

Alma 19:3–8

reyna na nakahilig ang ulo sa kanyang asawa

Ang reyna ay nagtiwala kay Ammon at may malakas na pananampalataya sa Diyos. Naniwala siya na magigising ang kanyang asawa kinabukasan. Sinabi ni Ammon na pinagpala siya dahil sa kanyang malaking pananampalataya. Sinabi niya sa reyna na mas malakas ang pananampalataya nito kaysa sa kanyang sariling mga tao. Ang reyna ay nanatiling malapit at nagbantay sa kanyang asawa.

Alma 19:9–11

masaya ang reyna dahil nagising ang kanyang asawa

Kinabukasan, nagising ang hari. Sinabi niya sa reyna na nakita niya si Jesucristo. Alam ng reyna at hari kung gaano sila kamahal ni Jesus, at napuspos sila ng kagalakan.

Alma 19:12–13