Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Haring Noe at si Haring Limhi


“Si Haring Noe at si Haring Limhi,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Mosias 19–22

Si Haring Noe at si Haring Limhi

Pagtakas mula sa mga Lamanita

Humawak si Gedeon ng isang espada at tumayo siya malapit sa isang tore, at si Noe ay nasa tore at nakaturo sa isang hukbo ng mga Lamanita

Namuno si Haring Noe sa isang grupo ng mga Nephita. Marami siyang ginawang masasamang bagay, at may ilang taong nagalit sa kanya. Isang lalaking nagngangalang Gedeon ang nakipaglaban kay Noe gamit ang isang espada. Si Noe ay tumakas at umakyat sa isang tore. Mula sa tore, nakita niyang paparating ang isang hukbo ng mga Lamanita. Nagkunwari si Noe na natatakot siya para sa kanyang mga tao, kung kaya’t hinayaan siya ni Gedeon na mabuhay.

Mosias 11:1–2; 19:2–8

Tumakas si Noe, at natakot ang mga tao ni Noe

Tumakas si Noe at ang kanyang mga tao. Subalit hinabol sila ng mga Lamanita at sinimulan silang salakayin. Sinabihan ni Noe ang mga kalalakihan na iwan ang kanilang mga pamilya at sumama sa kanya.

Mosias 19:9–11

Hinarap nina Limhi, Gedeon, at ng iba pang mga Nephita ang hukbo ng mga Lamanita

Ang ilang kalalakihan ay umalis kasama ni Noe. Ngunit marami sa mga kalalakihan ang piniling manatili kasama ng kanilang mga pamilya. Pinili rin ng anak ni Noe na si Limhi na manatili.

Mosias 19:12, 16–17

tumayo ang mga kababaihan sa harapan ni Limhi at ng iba pang mga Nephita

Maraming anak na babae ang tumayo sa harapan ng hukbo at hiniling nila sa mga Lamanita na huwag saktan ang kanilang mga pamilya. Nakinig ang mga Lamanita sa mga anak na babae at hinayaang mabuhay ang mga Nephita. Sa halip, binihag ng mga Lamanita ang mga Nephita.

Mosias 19:13–15

Nagalit si Noe at ang kanyang mga tauhan sa isa’t isa

Ang mga mga kalalakihang tumakas ay nagnais na bumalik sa kanilang mga pamilya. Sinubukan ni Noe na pigilan sila, kaya pinatay siya ng mga kalalakihan. Pagkatapos ay bumalik na sila sa kanilang mga pamilya.

Mosias 19:18–22

sinalubong ng mga lalaking Nephita ang kanilang mga pamilya at si Gedeon

Masayang-masaya ang mga kalalakihan na ligtas ang kanilang mga pamilya. Sinabi nila kay Gedeon ang nangyari kay Noe.

Mosias 19:22–24

Binigyan ni Limhi ang mga Lamanita ng pagkain at mga hayop

Pinili ng mga tao si Limhi na maging bagong hari nila. Nangako si Limhi sa hari ng mga Lamanita na magbabayad sila sa mga Lamanita ng kalahati ng lahat ng pag-aari nila. Bilang kapalit, nangako ang hari ng mga Lamanita na hindi niya sasaktan ang mga tao ni Limhi.

Mosias 19:25–27

Mukhang malungkot si Limhi at ang kanyang asawa, at maraming Nephita ang nasaktan

Namuhay sila nang payapa sa loob ng maraming taon. Pagkatapos ay nagsimulang pakitunguhan nang masama ng mga Lamanita ang mga tao ni Limhi. Nagnais ang mga tao na maging malaya muli. Sinubukan nilang labanan ang mga Lamanita, ngunit natalo sila. Nanalangin sa Diyos ang mga tao na tulungan sila.

Mosias 19:29; 21:1–15

Nag-usap sina Limhi at Ammon

Isang araw, binisita ng isang Nephitang nagngangalang Ammon si Limhi at ang kanyang mga tao. Nagmula si Ammon sa lupaing tinatawag na Zarahemla. Masaya si Limhi na makita si Ammon.

Mosias 21:22–24

Nag-usap sina Gedeon, Limhi, Ammon, at ang iba pang mga Nephita

Maaaring akayin ni Ammon ang mga tao ni Limhi patungo sa Zarahemla, ngunit kailangan muna nilang tumakas mula sa mga Lamanita. May plano si Gedeon.

Mosias 21:36; 22:1–9, 11

Tulog ang mga bantay ng mga Lamanita, at nilisan ng mga Nephita ang lungsod

Sa gabi, binigyan ni Gedeon ang mga bantay ng mga Lamanita ng dagdag na alak upang makatulog ang mga ito. Habang natutulog ang mga bantay, tumakas si Limhi at ang lahat ng kanyang tao mula sa lungsod.

Mosias 22:7, 10–12

Malugod na tinanggap ni Haring Mosias at ng kanyang mga tao si Limhi at ang mga tao nito

Sila ay nagpunta sa Zarahemla at sumama sa mga Nephita roon. Marami pang natutuhan si Limhi at ang kanyang mga tao tungkol sa Diyos. Gumawa sila ng tipan, o espesyal na pangako, na paglilingkuran ang Diyos at susundin ang Kanyang mga kautusan. Nabinyagan sila at naging mga miyembro ng Simbahan ng Diyos. Naalala nila na tinulungan sila ng Diyos na makatakas mula sa mga Lamanita.

Mosias 21:32–35; 22:13–14; 25:16–18