Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Ina ng Isang Hukbo ng mga Kabataan


“Mga Ina ng Isang Hukbo ng mga Kabataan,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 24; 53; 56–57

2:9

Mga Ina ng Isang Hukbo ng mga Kabataan

Pagtuturo sa mga bata na magtiwala sa Diyos

nakikinig ang tinedyer na mga anak na lalaki habang tinuturuan sila ng isang ina at naglalaro ang isang batang babae sa malapit

Minahal ng mga Anti-Nephi-Lehi ang Panginoon at ang lahat ng tao. Itinuro ng mga ina sa kanilang mga anak na maaari silang laging magtiwala sa Diyos. Itinuro nila sa kanila na sundin ang Kanyang mga utos.

Alma 26:31–34; 27:12, 27–30; 56:47–48; 57:21, 26

nakatingin si Helaman at ang iba pang mga Nephita sa isang nasusunog na lungsod

Ang mga Nephita at Lamanita ay nakikipaglaban sa isa’t isa sa isang malaking digmaan. Ang mga Nephita ay nakikipaglaban upang protektahan ang kanilang sariling mga tao at ang mga Anti-Nephi-Lehi.

Alma 48–52; 53:10–13

nakikipag-usap ang mga Anti-Nephi-Lehi kay Helaman at sa isa pang Nephita

Dahil sa kanilang mga kasalanan noon, ang mga Anti-Nephi-Lehi ay nakipagtipan, o gumawa ng espesyal na pangako, sa Diyos na hindi na sila kailanman makikipaglaban sa sinuman. Pero mahal nila ang mga Nephita at nais nilang tumulong.

Alma 24:6–19; 53:10–13

ang mga anak na lalaki ng mga Anti-Nephi-Lehi na nag-uusap at pinagmamasdan ang kanilang mga magulang na nakikipag-usap kay Helaman at sa isa pang Nephita

Ang mga Anti-Nephi-Lehi ay lalaban na sana sa digmaan. Pero kinumbinsi sila ni propetang Helaman at ng iba pang mga lider ng Simbahan na dapat nilang tuparin ang kanilang pangakong hindi na sila makikipaglaban. Kinailangan ng mga Anti-Nephi-Lehi na panoorin ang kanilang mga kaibigan na dumanas ng maraming sakit at problema, pero tinupad nila ang kanilang tipan sa Diyos.

Alma 53:13–15

ang mga anak na lalaki na nagtataas ng kanilang mga kamay, at nakikinig sa kanila ang kanilang mga magulang at ang mga Nephita

Hindi ginawa ng mga anak na lalaki ng mga Anti-Nephi-Lehi ang pangakong ginawa ng kanilang mga magulang. Ngayon ay gumawa sila ng sariling pangako na ipaglalaban nila ang kalayaan.

Alma 53:16–17

kumukuha ang mga anak na lalaki ng mga sibat mula sa isang sundalong Nephita, at ang kanilang mga ina at ama ay nagdarasal at nagmamasid

Sila ay may pambihirang tapang. Natutuhan nila mula sa kanilang mga ina na kung hindi sila mag-aalinlangan, sila ay poprotektahan ng Diyos.

Alma 53:20; 56:47

ang mga anak na lalaki na nakasuot ng baluti at nakikipag-usap sa kanilang mga ina at ama, at si Helaman na nakasuot ng baluti at nakatayo sa malapit

Ang mga anak na lalaki ay naniwala sa kanilang mga ina. Ang mga anak na lalaki ay tapat sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga utos. Nagtiwala sila na iingatan sila ng Diyos. Alam ng mga ina na poprotektahan ng Diyos ang kanilang mga anak na lalaki.

Alma 53:20–21; 56:47–48; 57:20–21, 26