“Si Alma at si Korihor,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)
Si Alma at si Korihor
Pananampalataya na totoo ang Diyos
Isang lalaking nagngangalang Korihor ang nagpunta sa lupain ng Zarahemla. Sinabi niya sa mga tao na hindi totoo ang Diyos at si Jesucristo.
Sinabi ni Korihor na malalaman lamang ng mga tao ang isang bagay kung nakita nila ito. Pinagtawanan niya ang mga taong naniniwala kay Jesus.
Sinabi ni Korihor na hindi kailangan ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos. Sinabi niya na maaaring gawin ng mga tao ang anumang nais nila. Maraming tao ang naniwala sa kanya. Nagpasiya silang gumawa ng masasamang bagay.
Tinangka ni Korihor na turuan ang mga Anti-Nephi-Lehi, ngunit hindi sila naniwala sa kanya. Itinali nila siya at pinaalis. Sa halip ay nagtungo siya sa lupain ng Gedeon. Iginapos din siya ng mga tao roon. Dinala nila siya kay Alma.
Sinabi ni Korihor kay Alma na hindi totoo ang Diyos. Sinabi niya na si Alma at ang iba pang mga saserdote ay nagsinungaling sa mga tao. Sinabi ni Korihor na pinasunod nila ang mga tao sa mga hangal na kaugalian. Sinabi rin niya na kumukuha sila ng pera mula sa mga tao. Alam ni Alma na hindi ito totoo. Naniwala siya sa Diyos at kay Jesus.
Sinabi ni Alma na ang mga propeta at ang lahat ng bagay sa mundo ay tumutulong sa mga tao na malaman na totoo ang Diyos. Humingi pa si Korihor ng karagdagang katibayan. Sinabi ni Alma na bibigyan niya si Korihor ng katibayan. Sinabi niya na gagawin ng Diyos na hindi makapagsalita si Korihor. Nang sandaling sabihin ito ni Alma, hindi na makapagsalita si Korihor.
Isinulat ni Korihor na alam niyang totoo ang Diyos. Alam na niya ito noon pa man. Isinulat niya na nilinlang siya ng diyablo. Sinabihan ng diyablo si Korihor na magturo ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos at kay Jesus. Nang malaman ng mga tao ang katotohanan tungkol kay Korihor, hindi na sila naniwala sa kanyang mga turo. Sila ay nagsisi at muling sumunod kay Jesus.