Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang mga Zoramita


“Ang mga Zoramita,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 31–35

3:26

Ang mga Zoramita

Pagpapalago ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo

naglalakbay sina Amulek, Alma, Corianton, at iba pang mga Nephita papunta sa isang lungsod

Isang grupo ng mga Nephita na tinatawag na mga Zoramita ang hindi sumusunod sa mga utos ng Diyos. Nalungkot si propetang Alma dahil dito. Alam niya na ang pinakamainam na paraan para matulungan sila ay ituro sa kanila ang salita ng Diyos. Isinama niya si Amulek at ang iba pa para turuan sila.

Alma 31:2–11

sina Alma at Amulek na mukhang malungkot, at hindi pinapansin ng mga taong nakabihis nang maayos ang mga taong nangangailangan

Alam ng mga Zoramita ang tungkol sa Diyos pero binago nila ang Kanyang mga turo. Sumamba sila sa mga diyus-diyosan. Inakala niya na mas magaling sila kaysa sa ibang tao. Masungit din sila sa mga taong walang pera.

Alma 31:1, 8–12, 24–25; 32:2–3

ang mga Zoramita na may maayos na damit na nakatayo sa isang mataas na tuntungan sa gitna ng maraming tao at itinataas ang kanilang mga bisig na nakaturo sa kalangitan

Ang mga Zoramita ay nagtayo ng isang mataas na lugar na matatayuan sa gitna ng kanilang mga simbahan. Isa-isa silang tumayo rito at nagdasal. Nagdasal sila gamit ang parehong mga salita sa bawat pagkakataon. Sa panalangin, sinabi nila na ang Diyos ay walang katawan at si Jesucristo ay hindi totoo. Sinabi nila na sila lang ang mga taong ililigtas ng Diyos.

Alma 31:12–23

nakikipag-usap sina Alma at Amulek sa mahihirap na Zoramita

Mahal ni Alma ang mga Zoramita at gusto niyang sumunod sila sa Diyos at kay Jesus. Nanalangin siya at hiniling sa Diyos na tulungan siya at ang iba pang sumama sa kanya upang turuan ang mga Zoramita. Si Alma at ang mga kasama niya ay napuspos ng Espiritu Santo. Sila ay humayo at nagturo nang may kapangyarihan ng Diyos.

Alma 31:24–38; 32:1

maraming mahihirap na Zoramita na nakikinig sa pagtuturo nina Alma, Amulek, at Zisrom

Nalungkot ang ilang Zoramita. Hindi sila pinapapasok sa mga simbahan dahil wala silang magagandang damit. Gusto nilang sumamba sa Diyos pero hindi nila alam kung paano kung hindi sila makapapasok sa mga simbahan. Tinanong nila si Alma kung ano ang dapat nilang gawin. Itinuro sa kanila ni Alma na dinidinig ng Diyos ang kanilang mga panalangin saanman sila naroroon.

Alma 32:2–12; 33:2–11

hawak ni Alma ang maliit na binhi at itinuturo ng kanyang kabilang kamay ang isang mataas at magandang bulaklak

Sinabi ni Alma na nais ng Diyos na manampalataya ang mga tao. Inihambing niya ang mga turo ng Diyos sa isang binhi. Kung itatanim ng mga tao ang mga turo ng Diyos sa kanilang puso, ang binhing iyon ay lalago at malalaman nila na ang mga turo ng Diyos ay totoo. Sinabi niya na kailangan lang nilang magkaroon ng hangarin na maniwala upang masimulan ang kanilang pagsampalataya.

Alma 32:12–43

nagsasalita si Amulek, at sa tabi niya ay may isang imahe ni Jesucristo na nagtuturo sa mga tao

Pagkatapos ay itinuro ni Amulek sa mga tao ang tungkol sa plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Sinabi niya sa kanila na sa pamamagitan ni Jesus ay mapapatawad silang lahat sa kanilang mga kasalanan. Tinuruan din niya silang manalangin sa Diyos at sinabing tutulungan at poprotektahan sila ng Diyos.

Alma 34

mga guwardiya na pinagmamasdan ang maraming maralita o mahihirap na Zoramita na umaalis sa lungsod

Marami sa mahihirap na mga Zoramita ang naniwala sa itinuro nina Alma at Amulek. Pero nagalit ang mga pinuno ng mga Zoramita. Pinalayas nila ang lahat ng mga nananalig palabas ng lungsod.

Alma 35:1–6

mga Anti-Nephi-Lehi na malugod na tinatanggap ang mga maralita o mahihirap na Zoramita

Ang mga nananalig ay nanirahan kasama ng mga Anti-Nephi-Lehi. Ang mga Anti-Nephi-Lehi ay naglingkod sa kanila, o nagsilbi sa kanila, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkain, damit, at lupain.

Alma 35:9