Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Tungkol sa Aklat ni Mormon


“Tungkol sa Aklat ni Mormon,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Tungkol sa Aklat ni Mormon

Si Jesucristo at ang Kanyang mga tao sa lupain ng Amerika

si Jesus sa liwanag ng langit

Ang Aklat ni Mormon ay isang banal na kasulatan. Itinuturo nito sa atin ang tungkol sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang pagbisita sa mga lupain ng Amerika matagalna panahon na ang nakalipas. Mula sa Aklat ni Mormon, matututuhan natin ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesus. Itinuturo nito sa atin kung paano magkaroon ng kapayapaan ngayon at kung paano natin muling makakapiling ang Diyos at si Jesus balang-araw.

Pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon; pambungad sa Aklat ni Mormon; 3 Nephi 11

isang propeta at ina kasama ang mga anak

Ang Aklat ni Mormon ay isinulat ng mga propeta ng Diyos. Sumulat sila sa mga pahinang yari sa metal na tinatawag na mga lamina. Ang kanilang mga kuwento at patotoo ay tumutulong sa atin na manampalataya kay Jesus. Nagsulat sila tungkol sa maraming grupo ng mga taong nanirahan noon sa lupain ng Amerika matagal na panahon na ang nakalipas.

Pahina ng Pamagat ng Aklat ni Mormon; pambungad sa Aklat ni Mormon.

Si Nephi at ang kanyang pamilya sakay ng barko

Isang grupo ang dumating mula sa Jerusalem papunta sa mga lupain ng Amerika mga 600 taon bago isinilang si Jesus. Sila ay naging dalawang bansang tinawag na mga Lamanita at mga Nephita.

Pambungad sa Aklat ni Mormon; 1 Nephi 1:4

mga Jaredita na paalis sa tore

Maraming taon bago ito, isa pang grupo mula sa Tore ng Babel ang dumating sa lupain ng Amerika. Tinawag silang mga Jaredita.

Pambungad sa Aklat ni Mormon; Eter 1:33–43

si Samuel na nagtuturo tungkol sa pagsilang ni Jesus

Tinuruan ng mga propeta ng Diyos ang mga tao. Nang makinig at sundin ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos, tinulungan Niya sila. Nagturo ang mga propeta tungkol kay Jesus at sinabing isisilang Siya sa Jerusalem. Nalaman ng mga Nephita at Lamanita na dadalawin sila ni Jesus pagkatapos ng Kanyang kamatayan.

2 Nephi 1:20; 25:12–14; 26:1, 3, 9; Mosias 3:5–11; Alma 7:9–13; Helaman 3

ang nabuhay na mag-uling si Jesus kasama ng mga bata

Dumating si Jesus tulad ng sinabi ng mga propeta. Matapos mamatay at mabuhay na mag-uli ni Jesus, binisita Niya ang mga tao. Ipinahipo Niya sa bawat tao ang mga bakas ng pako sa Kanyang mga kamay at paa. Nalaman nila na si Jesus ang Anak ng Diyos. Itinuro Niya ang Kanyang ebanghelyo, at isinulat ito ng mga tao. Pinag-usapan nila ang pagdalaw ni Jesus sa loob ng maraming taon.

3 Nephi 11:7–15, 31–41; 16:4; 4 Nephi 1:1–6, 13–22

si Mormon na may mga laminang ginto

Si Mormon ay isang propeta na nabuhay ilang daang taon matapos ang pagdalaw ni Jesus. Noong panahon ni Mormon, tumigil ang mga tao sa pagsunod sa Panginoon. Ipinasa kay Mormon ang mga isinulat ng mga propeta na naunang nabuhay sa kanya. Inilagay niya ang marami sa kanilang mga isinulat sa isang set ng mga lamina. Ang mga laminang ito ang naging Aklat ni Mormon.

Pambungad sa Aklat ni Mormon; Mga Salita ni Mormon 1:2–9; Mormon 1:2–4, 13–17

si Moroni na ibinabaon ang mga laminang ginto

Bago namatay si Mormon, ibinigay niya ang mga lamina sa kanyang anak na si Moroni. Noong panahon ni Moroni, ang mga tao ay gumagawa ng napakasasamang bagay. Gusto nilang patayin ang sinumang naniniwala kay Jesus. Nais ni Moroni na tulungan ang mga tao sa hinaharap, kaya nagsulat pa siya sa mga lamina at ibinaon ang mga ito upang mapanatiling ligtas ang mga ito.

Pambungad sa Aklat ni Mormon; Mga Salita ni Mormon 1:1–2; Mormon 8:1–4, 14–16; Moroni 1

ang anghel na si Moroni na nagpapakita kay Joseph Smith

Makalipas ang maraming taon, noong 1823, dumating si Moroni bilang anghel kay Propetang Joseph Smith. Sinabi ni Moroni kay Joseph kung saan makikita ang mga lamina. Sa tulong ng Diyos, isinalin ni Joseph ang nakasulat sa mga lamina.

Pambungad sa Aklat ni Mormon; Joseph Smith—Kasaysayan 1

magkapatid na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ipinadadala ng Diyos ang Espiritu Santo para matulungan kang malaman kung totoo ang isang bagay. Kapag binasa mo ang Aklat ni Mormon, maaari kang magdasal at magtanong sa Diyos kung ito ay totoo. Sa gayon ding paraan, malalaman mo na si Jesus ang iyong Tagapagligtas at na mahal ka Niya.

Pambungad sa Aklat ni Mormon; Moroni 10:3–5.