Buod Pangkasaysayan
Ang aklat na ito ay hindi kasaysayan, kundi kalipunan ng mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuro ni Pangulong Heber J. Grant. Ang sumusunod na kronolohiya ay nagbibigay ng maikling talaan ng kasaysayan hinggil sa mga turong ito. Hindi kasama dito ang makabuluhang mga pangyayari sa sekular na kasaysayan, gaya ng mga digmaan at pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Hindi rin kasama dito ang maraming mahahalagang pangyayari sa personal na buhay ni Pangulong Grant, gaya ng kanyang mga kasal at mga kapanganakan at kamatayan ng kanyang mga anak.
1856, Nobyembre 22 |
Isinilang si Heber Jeddy Grant sa Salt Lake City, kina Rachel Ridgeway Ivins Grant at Jedediah Morgan Grant. Ang ama ni Heber, na naglingkod bilang Pangalawang Tagapayo kay Pangulong Brigham Young ay namatay makaraan ang siyam na araw. |
1875, Hunyo 10 |
Nakatanggap ng tawag na maglingkod sa panguluhan ng Salt Lake City 13th Ward Young Men’s Mutual Improvement Association. |
1880, Abril 6 |
Nagsimulang maglingkod bilang kalihim sa pangkalahatang panguluhan ng Young Men’s Mutual Improvement Association. |
1880, Oktubre 30 |
Nagsimulang maglingkod bilang stake president ng Tooele, Utah. |
1882, Oktubre 16 |
Inorden na Apostol ni Pangulong George Q. Cannon ng Unang Panguluhan. |
1883–84 |
Dumalaw sa mga komunidad ng mga Katutubong Amerikano, nakipagtulungan sa iba pang mga pinuno ng Simbahan upang tumawag at magtalaga ng mga mayhawak ng priesthood na gagawa doon. |
1897 |
Naglingkod bilang miyembro ng pangkalahatang panguluhan ng Young Men’s Mutual Improvement Association at bilang manedyer ng negosyo ng magasin ng Simbahan na pinamagatang Improvement Era. |
1901, Agosto 12– 1903, Setyembre 8 |
Binuo at pinamunuan ang unang misyon sa Japan. |
1904, Enero 1– 1906, Disyembre 5 |
Namuno sa mga misyon sa Britanya at Europa. |
1916, Nobyembre 23 |
Itinalaga bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. |
1918, Nobyembre 23 |
Itinalaga bilang Pangulong ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. |
1919, Nobyembre 27 |
Inilaan ang templo sa Laie, Hawaii. |
1920 |
Pinangunahan niya ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Unang Pangitain. |
1923, Agosto 26 |
Inilaan ang templo sa Cardston, Alberta. |
1924, Oktubre3–5 |
Namuno sa unang pangkalahatang kumperensya na nai-broadcast sa radyo. |
1926 |
Sa ilalim ng direksiyon ng Unang Panguluhan, pinasimulan ng Simbahan ang programang institute ng relihiyon. |
1927, Oktubre 23 |
Inilaan ang templo sa Mesa, Arizona. |
1930, Abril 6 |
Pinamunuan ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Simbahan. |
1936 |
Binuo ng Unang Panguluhan ang Church Security Plan, na tinatawag ngayong welfare program ng Simbahan. |
1940, Pebrero |
Inatake sa puso. |
1942, Abril 6 |
Nagbigay ng pananalita sa pangkalahatang kumperensya sa huling pagkakataon. Nang sumunod na tatlong taon, ang lahat ng kanyang mga pananalita sa kumperensya ay binabasa na lamang ng iba. |
1945, Mayo 14 |
Namatay sa Salt Lake City, Utah. |