Mga Turo ng mga Pangulo
Buod ng Kasaysayan


Buod ng Kasaysayan

Ang sumusunod na kronolohiya ay naglalaan ng maikling buod ng kasaysayan para sa mga turo ni Pangulong Joseph Fielding Smith sa aklat na ito.

Hulyo 19, 1876

Isinilang sa Salt Lake City, Utah, kina Julina Lambson Smith at Joseph F. Smith.

Hulyo 19, 1884

Bininyagan at kinumpirma ng kanyang ama. Natanggap ang unang personal na kopya niya ng Aklat ni Mormon mula sa kanyang ama.

Abril 6, 1893

Dumalo sa paglalaan ng Salt Lake Temple.

1896

Natanggap ang Melchizedek Priesthood at endowment sa templo.

Abril 26, 1898

Pinakasalan si Louie Emily Shurtliff sa Salt Lake Temple.

Mayo 1899 hanggang Hulyo 1901

Naglingkod bilang full-time missionary sa England.

1901 hanggang 1910

Naglingkod sa maraming tungkulin sa Simbahan, kabilang na ang pagiging pangulo sa isang priesthood quorum, miyembro ng Young Men’s Mutual Improvement Association general board, high councilor, at miyembro ng isang pangkalahatang komite ng Simbahan na inatasang maghanda ng mga papeles para ipagtanggol ang Simbahan.

Oktubre 1901

Nagsimulang magtrabaho sa tanggapan ng Church Historian.

1902

Naglathala ng isang family history booklet na pinamagatang Asael Smith of Topsfield, Massachusetts, with Some Account of the Smith Family. Ito ang una sa marami niyang lathalain, kabilang na ang 25 aklat at maraming artikulo para sa mga magasin at pahayagan ng Simbahan.

Abril 8, 1906

Sinang-ayunan sa pangkalahatang kumperensya bilang Assistant Church Historian, isang katungkulang hinawakan niya hanggang Marso 1921.

Marso 30, 1908

Namatay si Louie Shurtliff Smith matapos magkasakit nang malubha sa ikatlo niyang pagdadalantao.

Nobyembre 2, 1908

Pinakasalan si Ethel Georgina Reynolds sa Salt Lake Temple.

Abril 7, 1910

Inorden ng kanyang ama bilang Apostol.

Oktubre 1918

Itinala ang isang paghahayag tungkol sa pagtubos sa mga patay na idinikta ng kanyang ama, na siyang Pangulo ng Simbahan noon. Ang paghahayag na ito ay matatagpuan ngayon sa Doktrina at mga Tipan 138.

Enero 6, 1919

Hinirang bilang tagapayo sa panguluhan ng Salt Lake Temple, isang katungkulang hinawakan niya hanggang 1935.

Marso 17, 1921

Hinirang bilang Church Historian, isang katungkulang hinawakan niya hanggang 1970.

1934

Hinirang bilang pangulo ng Genealogical Society of Utah, isang katungkulang hinawakan niya hanggang 1961.

Agosto 26, 1937

Namatay si Ethel Reynolds Smith matapos magkasakit nang apat na taon.

Abril 12, 1938

Pinakasalan si Jessie Ella Evans sa Salt Lake Temple.

Mayo hanggang Nobyembre 1939

Ginampanan ang isang espesyal na tungkulin sa Europe kasama si Jessie, at bumisita sa England, Scotland, Holland, Belgium, France, Switzerland, Italy, Sweden, Norway, Denmark, Czechoslovakia, Austria, at Germany. Pinamahalaan ang paglikas ng lahat ng Amerikanong misyonero mula sa Europe nang magsimula ang World War II.

Hunyo 8, 1945

Tinawag na maglingkod bilang pangulo ng Salt Lake Temple, isang katungkulang hinawakan niya hanggang 1949.

Oktubre 6, 1950

Itinalaga bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Abril 9, 1951

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Hulyo hanggang Agosto 1955

Ginampanan ang isang espesyal na tungkulin sa Asia, na kasama si Jessie. Inilaan ang Guam, Korea, Okinawa, at Pilipinas para sa pangangaral ng ebanghelyo.

Setyembre 1958

Dumalo sa paglalaan ng London England Temple.

Oktubre 1960 hanggang Enero 1961

Kasama si Jessie, bumisita sa mga lider at misyonero ng Simbahan sa Central at South America.

Mayo 1963

Namuno sa paglalagak ng batong-panulok ng Oakland California Temple.

Setyembre 1963

Inilaan ang Pioneer Monument sa Kansas City, Missouri, at ang Liberty Jail Historic Site sa Liberty, Missouri.

Oktubre 29, 1965

Tinawag na maglingkod bilang Tagapayo sa Unang Panguluhan sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong David O. McKay.

Enero 18, 1970

Naging senior na Apostol at nangungulong pinuno ng Simbahan nang mamatay si Pangulong David O. McKay.

Enero 23, 1970

Itinalaga bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Abril 6, 1970

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya.

Agosto 3, 1971

Namatay si Jessie Evans Smith.

Agosto 27–29, 1971

Pinamunuan ang unang area conference ng Simbahan, na ginanap sa Manchester, England.

Enero 18, 1972

Nag-alay ng panalangin ng paglalaan para sa Ogden Utah Temple.

Pebrero 9, 1972

Pinamunuan ang paglalaan ng Provo Utah Temple. Matapos isulat ang panalangin ng paglalaan, inatasan si Pangulong Harold B. Lee na siyang mag-alay ng panalangin.

Hulyo 2, 1972

Namatay sa Salt Lake City, Utah, 17 araw bago sumapit ang kanyang ika-96 na kaarawan.