Buod ng Kasaysayan
Ang aklat na ito ay hindi kasaysayan; sa halip, ito ay katipunan ng mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball. Ang kasunod na kronolohiya ay nagbibigay ng maikling buod ng kasaysayan ng kanyang buhay at balangkas ng kanyang mga turo. Hindi isinama dito ang maraming mahahalagang pangyayari kapwa sa kasaysayan ng Simbahan at ng lipunan. Hindi rin isinama dito ang mahahalagang pangyayari sa personal na buhay ni Pangulong Kimball, gaya ng mga kapanganakan ng kanyang mga anak.
1895, Marso 28 |
Isinilang si Spencer Woolley Kimball sa Salt Lake City, Utah, kina Andrew Kimball at Olive Woolley Kimball. |
1898, Mayo |
Lumipat kasama ng kanyang pamilya sa Thatcher, Arizona, kung saan ang tatay niya ang naging pangulo ng St. Joseph Stake nang sumunod na 26 na taon. |
1906, Oktubre 18 |
Namatay ang kanyang ina. |
1907, Hunyo |
Pinakasalan ng kanyang ama si Josephine Cluff. |
1914, Oktubre |
Nagsimulang maglingkod bilang full-time na misyonero sa Central States Mission sa Estados Unidos. Tinawag siyang maglingkod sa Swiss-German Mission ngunit hindi siya nakapunta dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig. |
1916, Disyembre |
Na-release mula sa kanyang full-time na misyon. Di nagtagal, nag-aral sa University of Arizona. |
1917, Nobyembre 16 |
Pinakasalan si Camilla Eyring. |
1918 |
Tinawag na maging stake clerk ng St. Joseph Stake. Nagtrabaho sa bangko bilang clerk at teller. |
1923 |
Sumali sa Rotary Club, isang pangserbisyong organisasyon kung saan nakasali siya sa sumunod na 20 taon, na kinabilangan ng pagiging gobernador ng distrito. |
1924, Agosto 31 |
Namatay ang kanyang ama. Makalipas ang mga isang linggo, bilang bahagi ng muling pagsasaayos ng stake presidency, tinawag si Spencer bilang pangalawang tagapayo. Siya ay naordenan na high priest ni Pangulong Heber J. Grant, ang ikapitong Pangulo ng Simbahan. |
1927 |
Naging president-manager ng Kimball-Greenhalgh Realty and Insurance Company. |
1938, Pebrero 20 |
Tinawag bilang pangulo ng Mount Graham Stake. |
1943, Oktubre 7 |
Naordenan bilang Apostol ni Pangulong Heber J. Grant. |
1948 |
Nagkaroon ng matinding sakit sa puso at nakabawi. |
1950 |
Nawala ang kanyang boses dahil sa matinding karamdaman sa lalamunan. Nagbalik ang kanyang boses o tinig matapos ang isang basbas ng priesthood. |
1957 |
Sumailalim sa isang operasyon ng kanser sa lalamunan; tinanggal ang isa‘t kalahati ng vocal cord. |
1969 |
Nalathala ang The Miracle of Forgiveness. |
1970 |
Naging Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. |
1972, Abril 12 |
Sumailalim sa operasyon sa puso. |
1972, Hulyo 7 |
Naging Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. |
1973, Disyembre 26 |
Namatay si Pangulong Harold B. Lee. |
1973, Disyembre 30 |
Naging Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kasama sina Pangulong N. Eldon Tanner bilang Unang Tagapayo at Pangulong Marion G. Romney bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan. |
1974, Nobyembre 19 |
Inilaan ang Washington D.C. Temple. |
1975, Oktubre 3 |
Sinimulan ang muling pagsasaayos ng Unang Korum ng Pitumpu. |
1976 |
Pinamahalaan ang pagdaragdag ng dalawang paghahayag sa Mahalagang Perlas. Kalaunan ay isinama ang mga paghahayag na ito sa Doktrina at mga Tipan bilang mga bahagi 137 at 138. |
1977, Agosto 24 |
Inilaan ang Poland para sa gawain ng Simbahan sa hinaharap—ang unang pagbisita ng isang Pangulo ng Simbahan sa kabila ng tinatawag noon na Iron Curtain o Bakal na Tabing. |
1978, Hunyo 8 |
Kasama ang kanyang mga tagapayo sa Unang Panguluhan, nagpalabas ng liham na nagbabalita tungkol sa isang paghahayag na nagkakaloob ng lahat ng pagpapala ng priesthood sa lahat ng karapat-dapat na mga miyembro, anuman ang lahi o kulay ng kanilang balat. |
1978, Oktubre 30 |
Inilaan ang São Paulo Brazil Temple. |
1979 |
Pinamahalaan ang paglalathala ng LDS na edisyon ng King James Bible. |
1979, Oktubre 24 |
Inilaan ang Orson Hyde Memorial Garden sa Jerusalem. |
1980 |
Pinamahalaan ang pagkakaroon ng pinagsama-samang iskedyul ng mga miting, kung saan idaraos sa loob ng tatlong oras sa araw ng Linggo ang sakrament miting, miting ng priesthood sa ward, miting ng Relief Society, mga klase ng Young Women, Sunday School, at Primary, sa halip na iiskedyul sa buong linggo. |
1980, Oktubre 27 |
Inilaan ang Tokyo Japan Temple. |
1980, Nobyembre 17 |
Inilaan ang Seattle Washington Temple. |
1981 |
Pinamahalaan ang paglalathala ng bagong edisyon ng tatlong pinagsamang aklat, na may updated na footnote system at indeks. |
1981, Hulyo 23 |
Tinawag si Pangulong Gordon B. Hinckley na maglingkod bilang karagdagang tagapayo sa Unang Panguluhan. |
1981 hanggang 1985 |
Pinangasiwaan ang mga dedikasyon ng 17 templo. |
1982, Oktubre 3 |
Ibinalita ang subtitle para sa Aklat ni Mormon—“Isa Pang Tipan ni Jesucristo.” |
1982, Disyembre 2 |
Muling isinaayos ang Unang Panguluhan, kasama sina Pangulong Marion G. Romney bilang Unang Tagapayo at Pangulong Gordon B. Hinckley bilang Pangalawang Tagapayo. |
1984 |
Binuo ang mga Area Presidency. |
1985, Nobyembre 5 |
Namatay sa Salt Lake City, Utah. |