6
Ang Pamilya ang Sentro sa Plano ng Ama sa Langit
Pambungad
Ipinahayag ng mga propeta at apostol sa panahong ito na “ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 129). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na sa pagiging “higit na masigasig at mapagmalasakit sa tahanan” (D at T 93:50) ay magagawa nilang mas maging sentro ng kanilang buhay ang kanilang pamilya.
Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito
-
Robert D. Hales, “The Eternal Family,” Ensign, Nob. 1996, 64–67.
-
David A. Bednar, “Mas Masigasig at Mapagmalasakit sa Tahanan,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 17–20.
-
Handbook 2: Administering the Church [2010], 1.1.1, 1.1.4, at 1.4.1 (kung mayroon).
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Ang pamilya ang sentro sa plano ng Ama sa Langit
Banggitin sa iyong klase na sa lahat ng mga paksang ibinigay sa mga huling pangkalahatang kumperensya, ang pamilya ang isa sa mga paksang madalas talakayin.
-
Sa palagay ninyo, bakit madalas magsalita ang mga lider ng Simbahan tungkol sa pamilya?
Isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan mula sa pagpapahayag tungkol sa pamilya, at sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung ano ang ibig sabihin nito sa kanila:
Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano naging sentro ang mag-anak o pamilya sa ating walang-hanggang tadhana, magbigay ng mga kopya ng handout na nasa hulihan ng lesson na ito. Hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Mag-assign sa bawat grupo ng isa sa tatlong bahagi ng handout at ipatalakay ang mga kasamang tanong. Tiyaking na-assign ang lahat ng bahagi.
Matapos ang sapat na oras, anyayahan ang isa o mahigit pang tao na naka-assign sa bawat bahagi ng handout na magbahagi sa klase ng buod ng tinalakay nila sa kanilang grupo. Patotohanan ang sumusunod na katotohanan: Ang pamilya ang sentro sa plano ng Diyos para sa buhay bago ang buhay sa mundo, sa buhay na ito, at sa kawalang-hanggan.
-
Anong mga karanasaan ang nakatulong sa inyo na madama ang kahalagahan ng pamilya sa plano ng Ama sa Langit?
Doktrina at mga Tipan 93:39–50
Unahin ang pamilya
Ihanda ang mga estudyante na matuto mula sa Doktrina at mga Tipan 93 sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na itinala ng bahaging ito, kabilang ang iba pang mga bagay, ang tagubilin ng Panginoon tungkol sa kahalagahan ng pagpapalaki ng mga anak sa “liwanag at katotohanan” at pag-una sa ating pamilya. Isulat sa pisara ang sumusunod na mga reference:
Sabihin sa mga estudyante na magbasa ng isa o mahigit pang scripture reference (tiyaking nabasa ng isa o mahigit pang estudyante ang bawat scripture reference). Sabihin sa mga estudyante na alamin kung sino ang kinakausap ng Panginoon at ano ang iniutos Niya. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung ano ang nalaman nila. Tiyaking natukoy ng mga estudyante na ang apat na lalaking pinatutungkulan dito ay ang Unang Panguluhan at ang bishop ng Simbahan sa Ohio; kung gayon, ipinapaalala ng mga banal na kasulatang ito sa lahat ng miyembro ng Simbahan, maging sa mga nasa pamunuan, na gawing priyoridad ang kanilang pamilya. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na markahan nila ang pag-uulit o pattern na matatagpuan sa mga talatang ito—dapat “isaayos” ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang mga pamilya (tingnan sa mga talata 43, 44, at 50).
-
Ayon sa talata 42, 48, at 50, ano ang magagawa natin upang makatulong sa pagsasaayos ng ating pamilya? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod: turuan ang mga anak sa liwanag at katotohanan, magsisi, talikuran ang masasamang bagay, maging higit na masigasig at mapagmalasakit sa tahanan, at manalangin tuwina.)
Isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Nakatutulong tayo na masunod ang utos ng Panginoon na isaayos ang ating pamilya kapag tayo ay higit na masigasig at mapagmalasakit sa tahanan.
-
Ano ang magagawa ng isang young adult para maging higit na masigasig at mapagmalasakit sa tahanan?
Ipakita ang sumusunod na pahayag mula sa liham na isinulat ng Unang Panguluhan noong 1999, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:
“Ang tahanan ang pundasyon ng matwid na pamumuhay, at wala nang iba pang makapapalit sa lugar nito o makagaganap sa mahahalagang tungkulin nito sa pagtupad ng responsibilidad na ibinigay ng Diyos.
“Pinapayuhan namin ang mga magulang at mga anak na bigyan ng pinakamataas na priyoridad ang panalangin ng pamilya, family home evening, pag-aaral [at patuturo] ng ebanghelyo, at makabuluhang mga aktibidad ng pamilya. Kahit gaano pa karapat at kaangkop ang iba pang mga gawain o aktibidad, hindi dapat hayaang halinhan ng mga ito ang banal na mga tungkulin na tanging ang mga magulang at pamilya lamang ang makagagawa” (First Presidency letter, Peb. 11, 1999, binanggit sa Handbook 2: Administering the Church [2010], 1.4.1).
-
Sa inyong karanasan, ano ang ilang “mahahalagang tungkulin” at “responsibilidad na ibinigay ng Diyos” na pinakamagandang ginagawa sa pamilya?
Ipakita ang sumusunod na pahayag, at hikayatin ang mga estudyante na isipin ang mga pagpapalang dumarating kapag sinisikap ng bawat miyembro ng pamilya na gampanan ang mga responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa pamilya:
“Saanman nakatira ang mga miyembro ng Simbahan, dapat silang magtatag ng isang tahanan kung saan makapananahan ang Espiritu. …
“Ang isang tahanang may mapagmahal at tapat na mga magulang ang pinakaepektibo para matugunan ang mga espirituwal at pisikal na pangangailangan ng mga anak. Ang isang tahanang nakasentro kay Cristo ay nagbibigay sa matatanda at sa mga bata ng proteksyon laban sa kasalanan, kanlungan mula sa mundo, pagpapagaling mula sa emosyal at iba pang mga pasakit, at tapat at tunay na pagmamahal” (Handbook 2: Administering the Church, 1.4.1).
-
Paano kayo makatutulong na makagawa ng isang tahanang nakasentro kay Cristo para sa inyong pamilya?
-
Anong kaibhan ang magagawa nito sa inyong pamilya?
Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:
“Ang lahat ng ginagawa ninyo sa labas ng tahanan ay iayon at isalig ninyo sa nangyayari sa loob ng inyong tahanan. Tandaan ang payo ni Pangulong Harold B. Lee na ‘ang pinakamahalagang gawain … na gagawin ninyo ay ang nasa loob mismo ng inyong mga tahanan’ … at ang walang-kupas na payo ni Pangulong David O. McKay na ‘Walang ibang tagumpay na makahahalili sa kabiguan sa tahanan’” (“Upang Mahanap ang Naliligaw,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 99).
Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali na maisulat ang ilang bagay na magagawa nila upang maging higit na masigasig at mapagmalasakit sa tahanan at mas maging sentro ng kanilang buhay ang kanilang pamilya. Hikayatin ang mga estudyante na magtakda ng mithiin na gawin ang isang ideya na isinulat nila. Magpatotoo na kapag ginawa ng mga estudyante ang kanilang mithiin, palalakasin sila Panginoon sa espirituwal at tutulungan silang makita kung paano nakapagpalakas din sa kanilang pamilya ang ginawa nila.
Mga Babasahin ng mga Estudyante
-
Robert D. Hales, “The Eternal Family,” Ensign, Nob. 1996, 64–67.
-
David A. Bednar, “Mas Masigasig at Mapagmalasakit sa Tahanan,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 17–20.