2005
Report ng Church Auditing Department, 2004
Mayo 2005


Report ng Church Auditing Department, 2004

Para sa Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Minamahal na mga Kapatid: Ang Church Auditing Department ay hiwalay sa lahat ng iba pang mga departamento at pagpapalakad ng Simbahan at binigyan ng karapatan sa lahat ng rekord at sistemang kailangan para mataya kung wasto ang pagkontrol sa mga resibo at paggugol ng pondo at pangangalaga sa mga ari-arian ng Simbahan. Ang Church Auditing Department ay binubuo ng mga certified public accountant, mga certified internal auditor, mga certified information systems auditor, at iba pang lisensyadong mga propesyonal.

Tulad ng nakasaad sa paghahayag sa bahagi 120 ng Doktrina at mga Tipan, ang Council on the Disposition of the Tithes ang nagbibigay ng karapatan sa paggugol ng pondo ng Simbahan. Ang konsehong ito ay binubuo ng Unang Panguluhan, ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ng Presiding Bishopric. Pagkatapos tumanggap ng awtorisasyon na gastusin ang pondo ng Simbahan, pinangangasiwaan ng mga departamento ng Simbahan ang inaprubahang badyet at ginugugol ang pondo sang-ayon sa mga patakaran at palakad ng Simbahan.

Batay sa mga isinagawang awdit, ipinasiya ng Church Auditing Department, sa lahat ng aspetong materyal, na ang mga kontribusyong natanggap, pondong nagugol, at ang mga ari-arian ng Simbahan sa taong 2004 ay pinangasiwaan at nairekord ayon sa angkop na mga pagsasagawa ng accounting, inaprubahang badyet, at mga patakaran at palakad ng Simbahan.

Buong paggalang na isinumite,

Church Auditing Department

Robert W. Cantwell

Managing Director

Print