Report sa Estadistika, 2004
Mga kapatid, inilabas ng Unang Panguluhan ang sumusunod na report tungkol sa pag-unlad at katayuan ng Simbahan hanggang noong Disyembre 31, 2004:
Bilang ng mga Yunit ng Simbahan | |
Mga Stake |
2,665 |
Mga Misyon |
338 |
Mga District |
646 |
Mga Ward at Branch |
26,670 |
Mga Miyembro ng Simbahan | |
Kabuuang Bilang ng mga Miyembro |
12,275,822 |
Dagdag sa mga Batang nasa Talaan |
98,870 |
Bilang ng mga Nabinyagan |
241,239 |
Mga Misyonero | |
Mga Full-Time na Misyonero |
51,067 |
Mga Templo | |
Mga Templong Inilaan Noong 2004 (Accra Ghana, Copenhagen Denmark, at Manhattan New York) |
3 |
Mga Templong Muling Inilaan Noong 2004 (Anchorage Alaska at São Paulo Brazil) |
2 |
Mga Templong Gumagana |
119 |
Mga Kilalang Miyembrong Pumanaw Simula Noong Nakaraang Abril
Elder Neal A. Maxwell ng Korum ng Labindalawang Apostol; Elder David B. Haight ng Korum ng Labindalawang Apostol; Sister Marjorie Pay Hinckley, asawa ni Pangulong Gordon B. Hinckley, Pangulo ng Simbahan; Sister Ruby Olson Haight, balo ni Elder David B. Haight; Sister Dantzel White Nelson, asawa ni Elder Russell M. Nelson ng Korum Labindalawang Apostol; Sister Sarah Melissa Broadbent Paulsen Sorensen, dating tagapayo sa Primary general presidency at asawa ni Elder Lynn A. Sorensen, dating miyembro ng Pitumpu; Sister Naomi Maxfield Shumway, dating Primary general president; Sister Olive Eileen Robinson Dunyon Christensen, dating tagapayo sa Primary general presidency; Sister Joan Blackhurst Spencer, dating pangkalahatang sekretarya ng Relief Society.
Nagpahiwatig ng Pakikiramay ang Unang Panguluhan
Sa simula ng sesyon sa Sabado ng hapon, binasa ni Pangulong Gordon B. Hinckley ang pahayag na ito:
“Nakikiisa kami sa mga tao sa buong mundo na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Pope John Paul II, isang di-pangkaraniwang tao na may pananampalataya, pananaw, at talino. Ang kanyang katatagan ay nakaantig sa daigdig sa paraang madarama ng mga susunod na henerasyon.
“Ang tinig ng Papa ay nanatiling matatag sa pagtatanggol ng kalayaan, pamilya, at Kristiyanismo. Di matatawaran ang kanyang prinsipyo at kagandahang-asal. Ang kanyang pagkahabag sa mga maralita ng mundo ay hindi nagmamaliw.”