Sino si Jesus?
“Si Jesus ay kaibigan. Na mapagmahal” (Aklat ng mga Awit Pambata, 37).
1. “Hayan na! Kukunin ka na ng allosaurus!” sigaw ni Teddy habang hinahabol niya ang dinosaur ni Cole sa paligid ng sopa hawak ang kanyang allosaurus.
“Walang makakapigil sa akin. Ako ay tyrannosaurus rex,” sabi ni Cole, habang itinatalbog-talbog ang kanyang dinosaur sa dingding.
2. Dumamba ang mga bata sa paligid ng bahay na parang maiingay at gutom na mga dinosaur hanggang sa maglabas ng meryenda si Inay.
3. “Sino ‘yang nasa dingding n’yo?” tanong ni Teddy, habang kinakain ang kanyang keso.
“Siyempre si Jesus,” sabi ni Cole.
“Sino si Jesus?” tanong ni Teddy.
Hindi alam ni Cole ang sasabihin. Akala niya alam ng lahat ang tungkol kay Jesus.
“Nakatira Siya sa langit. At mahal Niya ang lahat ng mga tao,” ang tanging naisip niyang isagot.
“OK,” sabi ni Teddy. “Gusto mo bang lumabas?”
4. Nakaluhod na si Cole sa tabi ng kanyang higaan nang gabing iyon para magdasal nang pumasok si Itay.
“Nasiyahan ka ba sa laro ninyo ni Teddy ngayon?” tanong ni Itay.
“Opo. Naglaro po kami sa sandbox dala ang mga dinosaur. Dad, nagtanong po si Teddy kung sino si Jesus, at di ko alam kung ano ang sasabihin ko.”
5. Itinuro ni Itay ang retrato sa dingding sa itaas ng higaan ni Cole. Larawan iyon ni Jesus na napaliligiran ng mga bata. “Ano ang naiisip mo kapag tumitingin ka sa larawang iyan?” tanong ni Itay.
6. “Naiisip ko po kung gaano ko kagustong mabuhay sa piling ni Jesus at ng Ama sa Langit balang-araw. At kung paano pinakitunguhang mabuti ni Jesus ang mga tao noong nasa lupa pa Siya,” sabi ni Cole.
7. “Parang puwede mong sabihin kay Teddy ang mga bagay na iyan,” sabi ni Itay.
“Siguro po gugustuhin ni Teddy na sumama sa aking magsimba balang-araw,” sabi ni Cole. “Kung ganoon mas marami siyang matututuhan tungkol kay Jesus. At masaya ‘yon.”
8. Hinalikan ni Itay si Cole sa noo.
“Mabait kang bata, Cole. Ipinagmamalaki ka ng Ama sa Langit at ni Jesus. At masuwerte si Teddy na kaibigan ka niya.”