2010
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Hulyo 2010


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na maaaring gamitin para sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.

“Pinagpala ng Aking Tungkulin,” p. 11: Kapag itinuro ninyo ang aralin, pag-isipang talakayin kung paano pinagaan ng Panginoon ang mga pasanin ng may-akda habang naglilingkod siya nang buong puso. Anyayahan ang mga kapamilya na magbahagi kung paano sila pinagpala sa kanilang paglilingkod sa Panginoon.

“Ano ang Dala ng mga Pioneer?” p. 16: Pag-isipang ilista ang apat na ideya ng karunungan na inilahad ni President Stephen L Richards sa artikulong ito. Talakayin kung paano mapapalakas ng bawat isa sa mga ito ang inyong pamilya at mapagpapala ang buhay ng mga yaong sumusunod sa inyong mga yapak.

“Ang Pagbabahagi ng Ebanghelyo nang may Tiwala,” p. 30: Pag-isipang anyayahan ang inyong pamilya na talakayin kung paano ipamumuhay ang sumusunod na pahayag mula sa artikulo: “Mangyaring alalahanin na hindi ninyo kailangang madama na dapat ninyong pangatwiranan ang inyong mga pinaniniwalaan; ang kailangan lamang ay ipaliwanag ninyo ang mga ito sa diwa ng pagmamahal at kabaitan. Ang katotohanan ay palaging nananaig kapag itinuturo ang totoong doktrina.”

“Sabi Niya sa Akin, ‘Hindi Puwede’ ” p. 58: Matapos basahin at ibuod ang kuwento, pag-isipang ipasadula ang mga paraan ng pagtugon kapag naharap sa tukso. Maaaring magpraktis ang mga kapamilya na sabihin nang malakas ang “Hindi puwede,” tulad nang ginawa ni Chase.

Hindi po ba tayo magdaraos ng Family Home Evening?

“Hindi po ba tayo magpa-family home evening? Hindi ba natin ito gagawin ngayong gabi?” tanong ng aking anim-na-taong gulang na anak na si Leilani. Nakonsiyensya ako. Sinisikap naming mag-asawa na makapag-family home evening, ngunit dahil marami kaming inaasikaso, hindi na namin ito ginagawa. Ang pagpapaalala ni Leilani ay naghikayat sa amin na muling mangakong huwag ipagwalang-bahala ang family home evening kahit ano pa ang dahilan.

Habang lumalaki si Leilani at ang kanyang kapatid na si Nadia, gusto nilang ituro sa family home evening ang natutuhan nila sa Primary. Nagdodrowing pa sila ng sarili nilang mga visual aid para ilarawan ang mga alituntuning gusto nilang ituro. Natutuwa kami bilang mga magulang na makita silang nagsasalita tungkol sa ebanghelyo at madalas napapalawak ang paksang kanilang napili.

“Hindi po ba tayo magpa-family home evening? Hindi ba natin ito gagawin ngayong gabi?” ay mga salitang sinisikap kong hindi na muling marinig. Alam ko na ang pinakamagandang panahon para turuan ang mga anak ay kapag sila ay bata pa. Magagamit ng mundo ang impluwensya nito, ngunit kung magsisikap tayo at uunlad kasama ang ating mga anak, makakamtan natin ang ating mithiin na magpalaki ng kalalakihan at kababaihang sumusunod sa mga alituntunin.

Patricia Cárdenas de Prado, Guatemala