2010
Bagong Salta
Hulyo 2010


Mga Kabataan

Bagong Salta

Nahihirapan akong makibagay. Kalilipat lang ng pamilya namin mula sa kabilang panig ng bansa. Malaki ang grupo ng mga kabataan sa ward na nilipatan namin, ngunit ito ang unang pagkakataon na ako ang “bagong salta.” Ang mahirap pa, baguhan ako sa paaralang papasukan ko, at kaagad pumasok sa isip ko, “Sino ang makakasabay ko sa tanghalian?” Siguro may makikita akong miyembro ng simbahan, pero ayaw ko namang basta na lang umupo at makitabi na lang kahit kanino, lalo pa nga na di ko alam kung gusto nga nilang naroon ako!

Parang walang katapusan ang unang araw sa paaralan. Sa wakas ay tumunog ang bell na hudyat na tanghalian na. Habang dahan-dahan akong pumasok sa lunchroom o kantina, nagdasal ako sa Ama sa Langit na tulungan akong makakita ng kakilala. Sumulyap-sulyap ako sa paligid para tingnan kung may kakilala ako. Wala. Kaya’t nagpunta na ako sa pinakasulok na mesa ng lunchroom o kantina at kinain ang baon kong tanghalian.

Kalaunan nang araw na iyon sa math class, may namukhaan akong tila kakilala ko. Nakita ko si David sa seminary nang umagang iyon. Tiningnan niya ang iskedyul ko at natuklasan na sabay ang oras ng aming tanghalian. “O, nasaan ka kaninang tanghalian?” sabi niya.

“Sa sulok ng kantina ako kumain,” sagot ko.

“Sige, bukas pumunta ka roon at sabay tayong mananghalian,” sabi niya.

Nagpapasalamat ako sa mapagmahal na Ama sa Langit, na nakaaalam sa ating mga kailangan at sumasagot sa ating mga dasal. Nagpapasalamat ako na may isang taong handang makipagkaibigan sa akin. Ang simpleng bagay tulad ng imbitasyon ay nakagagawa ng malaking kaibhan.