2010
India
Hulyo 2010


Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig

India

Noong 1849 dalawang marinong Mormon ang naglakbay papuntang India. Sinimulan nilang ipangaral ang ebanghelyo sa Calcutta kahit wala pang pahintulot. Noong 1851 dumating si Joseph Richards upang pormal na simulan ang gawaing misyonero sa bansa. Bininyagan niya ang mga unang miyembro ng Simbahan sa India at nag-organisa ng branch. Pagsapit ng taong 1852 mayroon nang 189 na mga miyembro. Di nagtagal nagtayo sila ng maliit na kapilya—ang kauna-unahang gusali ng Simbahan sa Asia.

Gayunman, nang sumunod na siglo, nahirapan ang mga misyonero. Ngunit noong 1978 nagsimulang maglingkod ang mga couple missionary bilang mga kinatawan ng Simbahan upang tulungang makilala ang Simbahan at patatagin ang mga miyembro nito.

Simula noon ang Aklat ni Mormon ay naisalin sa 5 sa 20 pangunahing mga wika ng India: Hindi, Tamil, Telugu, Urdu, at mga piling bahagi sa wikang Bengali. Ang India Bangalore Mission ay naitatag noong 1993. Noong 2007 naitatag ang India New Delhi Mission na siyang sumaklaw sa hilagang India at ilang karatig na mga bansa.

Ang Simbahan ay tumanggap ng pambansang parangal dahil sa pakikipagtulungan nito sa mahigit 50 humanitarian group sa bansa.

Ang Simbahan sa India

Bilang ng mga Miyembro

8,200

Mga Mission

2

Mga District

6

Mga Branch

30

Binati ng labindalawang-taong gulang na si Henry McCune, na isang convert o nagbalik-loob, ang ilang mga misyonerong Banal sa mga Huling Araw pagdating nila sa Calcutta, India, noong 1853.

Ibaba: Sina Gideon at Hansen Prabhudas mula sa Bangalore Second Branch. Kanan: Isang pagtitipon ng mga mayhawak ng priesthood mula sa Hyderabad Fourth Branch.